Alagang aso na pinaglaruan at isinuot ang pustis0 ng kanyang Amo, nagdala ng halakhak sa mga Netizen

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging malapit sa mga alagang hayop, tulad ng ibon, isda, pusa at aso. Masarap naman talaga sa pakiramdam ang may alaga dahil ayon sa mga eksperto ang pag-aalaga ng hayop o pet ay nakakatulong magtanggal ng stress o pagod sa isang tao.

Samantala, kadalasan na ating inaalagaan sa bahay ay ang Aso na kung tawagin ng karamihan ay bantay, dahil siya ang nagbabantay sa ating bahay tuwing tayo ay umaalis o kaya naman ay natutulog sa gabi.

Marami naman sa atin ang hindi na iba ang turing sa mga alaga nating ito. Kapamilya, kapatid, o anak na rin kung ituring ang mga alaga nating aso sa ating sambahayan.

Ayon nga sa matatanda, ang mga alagang aso ay nagdudulot ng kasiyahan o kaligayahan sa atin araw-araw.

Katulad na nga lang ng alagang aso ni Eunice na si ‘Maggie’. Si Maggie ay hindi purebred dog, siya ay may halong breed na Shih Tzu, Poodle at Chihuahua.

Tuwang-tuwa si Eunice at ang kanyang pamilya sa alagang si Maggie lalo na kung minsan ay naka pony tail ito na nakakadagdag ng cuteness ng naturang aso.

Si Eunice ay nakatira parin sa kanyang magulang kaya naman panatag siya kahit wala siya sa kanilang bahay dahil may tumitingin at nag-aalaga sa kanyang pet na si Maggie.

Ang kaniyang ama ang laging kasama ni Maggie at talaga naman naging close na rin silang dalawa. Isang araw ay tinanggal ng kaniyang ama ang pustisø nito at inilapag lamang malapit sa kanilang sofa.

Nakatulog ang Ama ni Eunice at sa paggising nito ay pilit niyang hinahanap ang kanyang pustisø kahit san sulok ng bahay ay hinanap ito ng ama ni Eunice subalit ng mga panahon na iyon ay na kay Maggie na pala.Kinuha at pinaglaruan pala ito ng kanilang alagang aso at saktong napunta sa bibig nito.

Imbis na magalit ay hindi napigilan mapa-hagalpak ng tawa ang ginawang kalokohan ng alagang si Maggie. Agad naman nila itong kinuhanan ng litrato at ibinahagi online kung saan mas maraming netizen ang natuwa at kinagiliwan ang cute na si Maggie.