Lolo na 73-anyos, matiyagang naghanap ng trabaho ‘di nagtagal ay natanggap siya bilang “Call Center Agent”

Dito sa ating bansa kilala ang BPO Industry sa iba’t-ibang larangan na hindi tumitingin sa edad at antas ng edukasyon ng mga aplikante na naghahanap ng trabaho.

Isa pa sa magandang reviews sa BPO industry ay ang magandang sahod at tiyak na mahahasa rin dito ang iyong computer at communication skills.

Samantala, ang tampok sa ating kwento ngayon ay may kinalaman sa trabaho at BPO Industry. Mayroon isang kwento na ibinahagi sa Facebook ni Rodge Tonacao tungkol sa isang job fair sa Bogo, City Cebu ang ngayon ay agaw atensyon sa mga netizen sa social media.

Di umano ang isang ordinaryong job fair na ginanap noong nakaraang Sabado ay tila naging espesyal dahil sa isang lolo na 73 taong gulang na si Rotello Escanilla na isa rin aplikante.

Ang akala pa ng marami ay sinamahan lang ni Lolo Rotello ang kanyang apo na mag-apply subalit hindi akalain ng lahat na siya pala mismo ang aplikante.

Matiyagang sinubaybayan ni Rodge si Lolo Rotello mula sa paghihintay sa napaka-habang pila hanggang sa final interview ng nito.

Samantala, bakas sa mukha ni Lolo Rotello ang kagalakan habang isa isang pinagdadaanan ang mga proseso ng aplikasyon.

Dagdag pa na ibinahagi ni Rodge, nais daw ng 73 anyos na si Lolo Rotelo na maging pantay-pantay ang pagtrato sa lahat ng aplikante at hiwag siyang bigyan ng ‘special treatment’ kahit siya ay isa ng senior citizen.

Naging paborito noong araw na iyon ang ‘groovy lolo’ na si Rotello at halos lahat ay hinahangad na matanggap siya sa trabaho.

Hindi nagtagal ay nakuha ni Lolo Rotello Escanilla ang pinaghirapang posisyon nito. Siya ay tagumpay na natanggap sa inaapply-an na trabaho.

Samantala, may hiling naman ang mga netizen sa kumpanyang tumanggap kay Lolo Rotello na sana raw ay sa ‘day shift’ na lamang ilagay si Lolo para na rin sa kalusugan nito.

Ang kwento na ito ni Lolo Rotello ay magiging inspirasyon sa lahat, na ano pa man ang iyong estado o edad sa buhay ay mapagtatagumpayan mo ang iyong pangarap at iyong minimithi at patunay lang ito na “Age is just a number”.

Source: Cebu Daily News