Lalaking mahilig bumili ng mga ukay- ukay, nakakita ng wallet na may lamang P200,000 sa bulsa ng damit

Mahilig ka ba mag ukay- ukay? Isa sa mga ugaling Pilipino ay ang pagiging praktikal. Imbis nga naman na bumili ka ng mamahalin at bagong damit, mayroon naman din sa ukay- ukay na mga gamit nang damit ngunit branded.

Marami din ngayon ang nagnenegosyo ng ukay-ukay at itinitinda nila ito sa online o maging sa mga pwesto na makikita sa mga establisyimento.

Sipag at tiyaga ang dapat na ilaan mo sa paghahanap ng damit sa ukay- ukay. Swertihan na lamang talaga sa ganda ng iyong makukuha sa murang halaga.

Marami na rin kwento ang nakakakuha ng gamit o pera sa mga nabili nilang ukay na damit dahil karamihan sa ukay-ukay ay talagang mga branded at magagandang klase na damit.

Gaya na lamang ng isang kwento na mahilig bumili ng ukay-ukay ang nadapuan ng swerte.

Ag lalaking ito ay labis labis ang biyayang natamo matapos mamili ng mga damit sa isang warehouse sapagkat balak niyang mag negosyo ng ukay- ukay.

Siya ay si Wan Mohamad Adam Wan Mohamed, 29 years old. Noong una ay nasa halagang RM 100 o P1,200 lang ang kabuuang halaga ng kaniyang mga nabili. Hanggang sa naging suki na siya sa warehouse na iyon at paulit- ulit doon namimili pagkatapos ay isasaayos na niya sa kaniyang sariling tindahan.

Habang inaayos ang kaniyang huling pinamiling mga damit, mayroon siyang nakapang wallet sa loob ng bulsa. Laking gulat niya nang buksan niya ang pitaka pagkat ang laman nito ay limpak limpak na pera.

Tinatayang RM 16,800 o mahigit P200,000 ang nilalaman nito. Kasama sa pitaka ang identification ng tunay na may- ari. Kaya nga lang, ang pera na nasa pitaka ay mga Japanese Yen kaya hinala niyang isang Hapon ang may-ari nito.