Isang lalaking nakiki-connect ng WI-FI sa kapitbahay, nagalit matapos palitan ang password ng internet

Marahil sa panahon ngayon sobrang high-technology na ang mga nasa paligid natin, subalit kilala naman ang ating bansang Pilipinas na mayroong pinaka mabagal na internet connection sa buong ASIA.

Sa katunayan nga ay mas mabilis pa ang mga internet sa mga bansa tulad ng Cambodia, Laos at Myanmar.

Samantala, ayon sa isinagawang Speedtest Global Index, pang 107 ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo pagdating sa bilis ng mobile internet at fixed broadband.

Ang Korea naman ang naitala na mayroon pinaka-mabilis na internet sa halos 5x na mas mabilis kumpara sa Pilipinas.

Subalit ang nanguna naman sa fixed broadband ay ang bansang Singapore tinatayang mayroon itong 10 beses na mas mabilis kumpara sa ating bansa.

Kaya naman hindi maiiwasan ng maraming Pilipino ang uminit ang ulo dahil na rin sa mahal na singil ng internet at ang mabagal na connection nito.

Katulad na lamang ng isang video ng lalaki na nagviral sa social media, ito ay matapos niyang mag-amøk sa kanyang kapit bahay dahil hindi na siya maka-konek sa internet dahil pinalitan na ito ng password ng may-ari.

Photo credits: The Publisher

Nag naturang lalaki ay mapapanood sa video na naghihimutok sa galit dahil pinalitan daw ang password ng internet ng kanyang kapitbahay.

Photo credits: The Publisher

Makikita sa mukha ng lalaki na galit na galit ito at hindi matanggap na hindi na siya maka-konek sa internet ng kanilang kapitbahay kung kaya naman nag-amok ito at hinamon ang kapitbahay.

Photo credits: The Publisher

“Umalis kayo dito kung ayaw niyo ng ugali ko. Pangit ang ugali ko diba? Dapat pinakinggan ninyo ako.” ayon sa galit na lalaki.

Ayon naman sa may-ari ng wifi ay hindi na muna siya nagpapa-konek ng wifi dahil may online training siya sa kanyang inaaplyan na call center dahilan ng pagkabagal at baka ito pa ang dahilan ng hindi niya pagkapasa sa trabaho.