Kwento ng mag-asawa na naghihirap noon na mayroon ng sariling mansyon at malagong negosyo ngayon, Ibinahagi!

Marahil hindi bago sa atin ang makarinig ng mga kwento tungkol sa mga tao na nagtagumpay mula sa kahirapan patungo sa maalwan na buhay, mga success stories na talaga naman kahanga-hanga at nakakapag bigay sa atin ng motibasyon upang magsumikap din sa buhay.

Katulad na lang ng ng kwento ng isang mag-asawa na ngayon ay kumakalat sa social media at usap-usapan. Ito ay ang kwento ng buhay at pamilya ng netizen na si Erika Duran.

Ayon sa kay Erika at sa kanyang asawa, Hindi raw basta-basta ang kanilang hirap na dinanas bago pa nila marating ang tagumpay na ngayon ay kanilang tinatamasa.

Nang sila daw ay magkaroon ng anak silang mag-asawa ay nagdesisyon na bumukod sa kanya-kanyang pamilya upang magsama.

Maraming pagsubok at problema ang dumating sa mag-asawa subalit hindi nila ito tinakbuhan at nalampasan nila ito dahil sa kanila raw pagsusumikap, pagtutulungan at higit sa lahat ang pananampalataya sa Diyos.

Kaya naman dahil sa kanilang determinasyon at pagsisikap ngayon ay nagmamay-ari na sila ng “Amarah’s Corner” , ito ay isang kilalang masarap na kainan.

Ayon kay Erika, ang kanilang mga negosyo raw ay nagsimula lamang sa pananahi at sobrang liit lang raw ng kanilang puhunan. Subalit ng lumago ang kanilang patahian ay nagkaroon na sila ng malaking pwesto at dumami na ang kanilang mga customers.

Dahil sa paglago ng kanilang unang negosyo na patahian, nagkaroon ang magsawa ng puhunan upang makapagpatayo ng restaurant at ito na ang kanilang nabuo ang Amarah’s Corner na nabuksan noong 2018.

Mula sa kanilang unang branch, sa kasalukuyan ay umabot na ngayon ng 12 branches ang kanilang Amarah’s Corner ito ay dahil sa kanilang sipat at pagtutulungang mag-asawa.

“Huwag kang makakampante na perfect ka na, na maayos na lahat, dapat tanggapin mo lahat ng ibabatong negative sayo at gawin mong way yun para makita ang mga dapat pang iimprove”, pahayag ni Erika.

Samantala, kung noon ay mayroon lamang silang maliit na bahay na kanila pang inuupahan ngayon ay mayroon na silang malaking 2-story na bahay at mga sasakyan.

May payo naman si Erika para sa lahat na katulad niyang nais magtagumpay, Huwag daw matakot na magsimula ng negosyo kahit na paunti-unting hakbang lamang patungo sa pangarap.

Ang kailangan daw at importante ay samahan ito ng pagmamahal sa iyong ginagawa upang mas lalo maging maayos ang negosyo dahil gusto mo ang iyong ginagawa.

Kasama ang mga problema, hamon sa buhay at suliranin ang darating subalit huwag mong kalilimutan na maging positibo sa buhay at ang pananampalatay sa Diyos tiyak na malalampasan mo ang lahat.