Misis na nakipaghiwalay sa mister dahil mayroon na pala silang nabubuong relasyon ng kaniyang step-son, usap-usapan!

Hindi nga naman nababase sa edad ang pag mamahal. Marami sa panahon ngayon ang nagmamahalan ng malalayo ang agwat ng edad ngunit hindi na ito bago sa masa.

Hindi na din ito itinuturing bilang pagkakamali. Ngunit tila kakaiba ang kwentong pag ibig ng dalawang magkasintahang ito na may 15 taon ang agwat.

Hindi lamang edad ang pinag-uusapan dito. Sapagkat ang dalawang magkasintahan na ito ay konektado sa kanilang nakaraan.

Usap-usapan ang pag buhay pag ibig ni Marina Balmasheva sapagkat ang dati niyang step son na si Vladimir Shavyrin ay ngayoý kaniyang nobyo.

Unang nakita ni Marina si Vladimir nang magsama sila ng ama nito na si Alexey Shavyrin. Buong loob inampon at inangking parang tunay na anak ni Marina ang limang anak ni Alexey ngunit nauwi ang masayang pag sasamahan sa isang diborso sa kadahilanang mayroong nabuong relasyon kila Marina at Vladimir na anak ng kaniyang dating asawa.

Bago pa man kumalat ang issue na ito ay napansin na ng netizen ang isang testimonya ni Marina ukol sa kaniyang wéight løss journey na talaga namang nag mukhang bata ito at mas lalong gumanda.

Hindi naman daw nag sisisi si Marina sa pag pili kay Vladimir pagkat ayon sa kaniya mas natagpuan daw niya ang tunay na kasiyahan sa piling nito. Iyon nga lang ay mahirap para sa iba tanggapin ito lalung lalo na sa kanilang pamilya pagkat nag karoon na ng lamat ang kanilang mga samahan.

Gayun pa man, bakas naman sa mga ngiti ng magkasintahan ang saying kanilang nararamdaman.