Dating sikat na “Starlet” palaboy-laboy na lamang ngayon sa lansangan at ilang buwan ng hinahanap ng kaanak

Natatandaan niyo pa ba ang sikat na starlet noon na si Brandy Ayala?

Si Brandy Ayala o Remedios Estrada sa totoong buhay ay isa sa mga sikat na miyembro ng grupo nga mga kababaihan noong 1980s na kung tawagin ay “Liquor Beauties”.

Ang naturang grupo at si Brandy ay nasa pangangalaga ng isa sa pinakamagaling na talent manager na si Rey Dela Cruz.

Subalit ang napakagandang si Brandy Ayala noon sa kasalukuyan ay ibang-iba na ang itsura ngayon, Malayong malayo na sa kanyang taglay na alindog at ganda noong kanyang kasikatan.

Ayon sa ibinahaging kwento ng pamangkin ni Brandy na si Ralph Estrada, ang dating starlet daw ay tuluyan ng nawala sa kanyang sarili. Ito raw ay dahil sa paggamit ng ipinagbabaw na gamot noong mga panahong siya ay nakikita la sa telebisyon.

Mas lumala daw ang sitwasyon ni Brandy taong 1997 umabot pa raw sa pagiging palaboy sa siyudad ng dating aktres.

Si Brandy ay madalas raw makita na nasa gilid ng SM City Manila at SM City San Lazaro ayon sa mga ilang nakakakita at nakakakilala sa kanya.

Ang dating sikat na aktres ay nanghihingi na lamang ngayon ng limos at pagkain sa ka-Maynilaan para may makain.

Samantala, kahit pa ganito ang naging takbo ng buhay ng ni Brandy ay nakakauwi pa naman daw ito sa bahay nito ayon kay Ralph.

Ngunit nang magsimula ang ECQ o lockdown nitong ay nagsimula na rin na hindi makita si Brandy at hindi na rin umuuwi ng bahay dahilan upang mag-alala ang pamangkin niyang si Ralph.

Isa sa mga kinatatakutan nito ay baka lalong lumala ang sitwasyon ng tiyahin kung ito ay patuloy at hindi na nabibigyan ng sapat na pagkain. Na maaring dahilan upang ito ay lalong makalimot kung paano makauwi sa kanilang bahay.

Nanawagan si Ralph na matulungan mahanap ang kaniyang Tiyahan na si Brandy, lalo na ngayon panahon ng pandemya na maraming pwedeng mangyari sa labas na hindi kanais-nais.

Ayon naman sa concerned citizen huli raw nakita ang dating starlet sa lungsod ng Mandaluyong ngunit dahil hirap din sa buhay si Ralph at kakulangan ng pinansyal ay hindi niya matutukan ang paghahanap sa kanyang nawawalang tiyahin.