Matandang Foreigner, naging palaboy matapos malugi ang negosyo at iwanan ng kaniyang Asawa

Marami sa ating bansa ang mga Dayuhan kung saan nanirahan na dito at ang iba naman ay nagbabakasyon. Karamihan din sa mga dayuhan na nasa Pilipinas ay nakapangasawa ng mga Pinay.

Ang ilan sa dayuhan din natin dit na may asawa na Pinay at nakabuo ng pamilya ay maganda ang pamumuhay ngunit ang iilan naman at hindi pinalad.

Gaya na lamang ng 75 anyos na lalaking dayuhan ang nauwi sa lansangan ng Laguna matapos iwanan ng kaniyang asawa. Ayon sa kaniya, dati daw ay mayroon siyang negosyong pinapatakbo na computer shop sa Halang Canlalay Biñan, Laguna ngunit nang iwanan siya ng kaniyang asawa ay unti- unti itong nalugi at napilitang magsara.

Ang British Foreigner mula sa London na ito ay hindi namamalimos ngunit ang netizen na si Sandrix Lita ang nagmagandang loob upang ipost ang kaniyang mga larawan nagbabaka sakali na makita ng kaniyang mga kamag- anakan ang kinakaharap niyang hirap.

Nakilala ang dayuhan bilang si Arthur Ernest na nagbagahi ng kaniyang nakakalungkot na istorya. Mahirap para sa kaniya ang mamuhay ng mag- isa at walang sumusuporta. Kadalasan, ang mga taong dumadaan sa kaniyang harapan ay binibigyan siya ng pagkain.

Samantala, madalas niya lang ding ipamigay ang pagkaing ibinibigay sa kaniya dahil wala naman siyang bahay o kahit lutuan man lang. Ayon kay Sandrix, napakabait daw talaga ni Arthur kaya’t umaasa siya na kahit sa mga otoridad ay makaabot ang post upang siya ay matulungan pabalik ng London.

Kung tayong mga Pilipino ay hirap na sa buhay natin sa ating sariling bansa, ano pa kaya ang mga dayuhang kagaya ni Arthur. Nawa ay matulungan siya sa pamamagitan ng pamamahagi ng post na ito.