Isang Anak, humihingi ng pakiusap sa mga netizenz na huwag pagtawanan ang mga larawan ng kanyang Ama sa Social Media

Nakikiusap ang isang anak sa mga netizen sa social media na huwag sanang gawin katatawanan ang mga larawan ng kanyang ama.

Batay sa mga kumakalat na larawan, ang naturang lalaki raw ay tinatawag sa social media na “takas sa preso” dahil sa suot nitong kulay orange na uniform na tulad sa mga inmates.

Sa isang Facebook post ng netizen na si Jarence Banglag, dito naka-upload ang mga larawan na may caption na “Naku may nakawala ata”.

Sa post na ito ni Banglag ay tila sinasabi nitong nakatakas ang naturang lalaki sa preso. Kung sa unang tingin ay talagang iisipin mong ang suot nito ay katulad ng suot ng mga preso.

Subalit ayon sa anak ng naturang lalaking nakasuot ng kulay orange na damit, ito raw umano ang uniporme ng kanyang ama na isang Pulmonologist sa Notre Dame de Chartres Hospital sa Baguio, Benguet.

“Hello pls stop making fun of this. Just so you know guys, this is my father a pulm0n0l0gist working for Notre Dame de Chartres H0spital. This is their scrub since nasa Lüng Cénter pa sya nag-wo-work and in the midst of battling c0’v1d19, eto yung way nila to cope up and be 0ptimistic na matatapos din lahat to. Pls stop insülting this post. You never know malay mo ikaw pa lumapit sa kanya para humingi ng tulong :)) be kind to your front liners please GODBLESS,” sabi ng anak na babae.

Samantala, mayroon naman isang netizen ang nagpaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng letrang “P” sa uniporme ng Pülm0n0logist. Ayon din rito sinabi nito na ang lalaking nasa larawan ay isa sa kanyang mga naging doktor noong siya ay 0perahan taong 2012.

“Kilala ko itong pulm0n0l0gist na ito. He is a younger colleague and was one of my 19 d0ct0rs when I had my fatal MI-CABG operation last 2012. He is a great doctor. Scrubs nya yan during fellowship niya. Kaya P ang tatak kasi para silang preso sa loob ng ICU pag nakaduty, he said.” ayon sa netizen.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“Funny pero di naman niya kasalanan na ganyan yung scrub nila. Sa unang tingin talaga mapapa “wow shit may nakawala” ka, lalo na pag sa malayo. I salute you sir!” sabi ni Maika.

“We completely admire your dad for his service and all the front liner,” sabi naman ni Genesis.

“Hi! Pakisabi sa father mo thank you so much! And take care of himself. Sa family mo din,” sabi ni Leonel Diaz.

Source: Daily Pedia