“Huwag baratin at huwag humingi ng discount”: Matandang magsasaka na nagtitinda sa gitna ng ulan ng panindang gulay, Netizen may panawagan sa mamimili

Dito sa ating bansa maraming Pilipino ang nasa laylayan ng lipunan o sa madaling salita ay mahihirap, sila yung mamamayan na hindi naabot ng tulong mula sa ating pamahalaan.

Kadalasan na kanilang pinagkukunan ay ang pagsasaka na kung minsan ay naapektuhan dahil sa pabago-bagong klima ng panahon.

Kung tatanungin tayo ay sila dapat ang mas nabibigyan ng pansin ng ating pamahalaan naway mabigyan ng suporta ang kanilang hanapbuhay dahil ito rin ang bumubuhay sa ating mga kababayan.

Kanilang buong lakas ang nilalaan sa pagtatrabaho at madalas kapag dumating naman ang anihan ay sa napakababang presyo lamang ito nabebenta.

Ang katotohanan ay maliit lamang ang sahod kapag ikaw aya nagtatrabaho sa sakahan kaya naman ang iba ay gumagawa ng diskarte para magkaroon ng iba pang pagkakakitaan.

Katulad isang matandang lalaki sa larawan na matiyang nagtitinda ng mga prutas at gulay kahit pa bumubuhos ang ulan.

Labis na nakakadurog ng puso ang sitwasyon ni Lolo dahil sa kabila ng malakas ng buhos ng ulan ay patuloy pa rin siyang nagtitinda ng mga gulay para lamang may kitain.

Sa isang post sa Facebook Page na Isko Moreno Supporters. Nanawagan ang isang netizen na huwag na sana baratin o kaya naman ay humingi ng discount sa mga kagaya ni Lolo na nasa larawan dahil maliit lamang ang kinikita nito. Ang nais lamang nila ay makaraos sa pang araw-araw at may makain ang kanilang mga pamilya.

Dahil sa post na ito maraming mga netizen ang naantig sa kalagayan ni Lolo ang iba pa ay mga naka relate sa kanyang pagsasaka na pinipilit mag trabaho at kumita kahit kakarampot para sa pamilya.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizen;

“Yes may father is a farmer and i am so proud.they provide food. Even if the price of vegetable are not enough for their sacrifice,” ayon sa komento ng netizen.

“Yan ang katotohanan kung sino pang mga nasa ibaba sila pang inuutakan at iniisahan. Nakakabili sa mga malls na walang tawad tawad pero sa palengke at bangketa kung sino pang maliit ang kinikita siya pang binabarat.masakit pero ito ang totoo naway maging aral ito sa lahat.

Para naman kay Lolo God Bless you sana matulungan ka ng may mabuting puso at sa pamahalaan ito dapat ang tinututukan niyo” pahayag naman ng isang netizen.

“Wag baratin o humingi ng malaking discount kapag bibili sa mga farmers na nagtitinda ng sarili nilang produkto, o kaya sabihin sa kanila na mas mura ang mamili sa palengke o supermarket. They are often the same people who grew that food, which is a lot of work.” -saad naman ng isa