Alamin kung bakit mas delikad0 at nakakapînsålå ang mga tah0ng kaysa sa mga pirånhå

Minsan, lingid sa ating mga kaalaman na ilan sa mga pangkaraniwang bagay ay siya palang nagdudulot ng kapahamakan. Napag- aralan ng siyensa na ang mga tahong pala ay lubhang mapanganib kaysa sa piranha

Kilala ang Ilog ng Amazon bilang magandang tirahan ng mga lamang tubig ngunit nalalagay ito sa pélîgro hindi dahil sa kagagawan ng mga tao, makinarya, pabrika o ano pa kung hindi dahil sa maliliit na tah0ng.

Napag-alaman ng mga siyentipiko na ang mga tahong ay mapang@nib hindi lamang sa Ilog Amazon kung hindi pati na din sa iba pang lupon ng mga tubig. Dahil sa tuloy- tuloy na pagdami nito, sumisiksik sa mga daluyan ng tubig ang ga tahong na nagiging dahilan ng pagbabara.

Higit pa doon, nagiging sånhi din ito ng pagdami at pagkalat ng lumot sa tubig na nagreresulta ng pagk@matay ng mga isda.

Nagbigay paalala si Demetrio Boltovskoy na galing sa Unibersidad ng Buenos Aires na ang mga tahong na ito ay maaaring pumunta sa daluyan ng mga tubig sa mga kabahayan.

Saad din ni Maulo Rebelo, isang siyentipiko at isa propesor sa Unibersidad ng Federal, patuloy ngang dumarami ang mga tahong na unang natagpuan sa bansang China, dumikit sa barko ng Argentina taong 1990 na naging sanhi ng pagdami nito sa kanilang bansa na kumalat din sa iba.

Hindi din daw solusyon ang panglalason pagkat lalabas lamang sila sa kanilang shell at babalik ulit matapos humupa ang las0n sa tubig.

Ayon naman sa Nature World News, maaaring maging natural ang solusyon dito kung palagiang aanihin ng mga mangingisda ang mga tahong upang mabawasan ang mga ito sa tubig.