Isang Lola nagtitinda ng P5 meal sa mga mahihirap na estudyante. “Ayos lang malugi, basta makatulong”

Sa pagdaan ng panahon alam naman natin na nagmamahal na ang mga presyo ng pagkain at mga bilihin kaya naman masasabi natin na ang halagang limang piso ay tila hindi na makakabili sa ngayon ng mga bagay na importante tulad ng pagkain.

Sa limang piso ay parang kendi na lamang ang ating makakayang bilihin sa halagang ito.

Subalit sa lugar ng Meycauyan, Bulacan, Pinatunayan ng isang kahanga-hangang lola na maaari kang mabusog sa halagang limang piso sa pamamagitan ng pagbili ng kanyang masarap na paninda.

Nakuha ang atensyon ng mga netizen sa social media dahil sa kabutihang loob ni ginang Mel na nagtitinda umano ng mga pagkain sa mga estudyante sa Bulacan sa presyong abot kaya ng mga ito.

Ayon mismo kay Nanay Mel, alam daw niyang maraming estudyante ang hindi sapat ang baon na pera para makabili ng sapat ng pagkain sa kanilang pag-aaral, Kaya naman upang daw siya ay makatulong sa mga ito naisip ni Nanay Mel na magtayo ng maliit na tindahan at magbenta ng abot kayang presyo na pagkain na malapit sa paaralan.

“Ang isang mahirap, magtatanong ka paano ka makakatulong sa kapwa mo? Hindi porket mahirap ka, hindi ka makakatulong, sa maliit na paraan magagawa mo yan.” ayon kay ginang Mel

Sa aming pananaliksik napag-alaman na mahigit isang dekada ng ginagawa ito ni Nanay Mel na magtinda sa Bulacan ng kanyang P5 meal.

Dahil sa mababang presyo at abot kaya ay patok na patok ito sa mga estudyante, ganun rin sa mga malapit na empleyado na tama lamang ang sinasahod sa halagang limang pisong budget ay may kanin at ulam kana.

Ibinahagi din ni ginang Mel ang kanyang sariling recipe na ‘chao fan rice’ na gawa sa fried rice at mayroon sangkap na hotdog na sa halagang limang piso ay makakaraos kana sa tanghalian.

Ilan sa mga ulam na itinitinda ni Nanay Mel ay tinolang manok, bopis, kare-kare, menudo at iba pa.

Ang ginagawa na ito ni Nanay Mel para makatulong sa mga Estudyante ay talagang kahanga-hanga at nakakataba ng puso. Ang hangarin niya dito ay makatulong sa mga estudyante na kapos palad at kaunti lamang ang baon sa eskwelahan.

Ayon pa kay Nanay Mel, hindi niya iniisip kung siya ay malulugi ang importante lamang daw ay makatulong siya sa katulad niyang mahihirap ang buhay.

“Hindi porket mahirap ka, hindi ka makakatulong, sa maliit na paraan magagawa mo yan.” ayon kay ginang Mel

Sana’y marami pang katulad ni Nanay Mel, Bukas loob na tumutulong sa mga kapwa natin na labis na nangangailangan at nahihirapan.