Isang Photographer na kinuhanan ng litrato ang isang pulubi, naiyak nang malaman na ito pala ang nawawalang ama!

Mayroong babaeng photographer na nagngangalan na Diana ang nagbago buhay at nabuo ang kanyang pagkatao matapos ang pangyayaring na hindi niya inaasahan.

Sa pagkahilig niya sa pagkuha ng litrato ito ang naging susi niya para makita niya ang ama niya na matagal na niyang hinahanap.

Ayon kay Diana “Isa sa mga ala-ala nasa akin ay ang litratong ito na binigyan nya ko ng ring pop candy matapos namin siyang bisitahin ni mama”.

Ang mga alaala na ito ay noong panahong buo pa ang kanilang pamilya mahigit 25 na taon na ang nakakalipas. Sa hindi magandang pangyayari ay naghiwalay ang kanyang mga magulang at iniwan sila ng kanyang ama sa murang edad.

Sa pagkakahiwalay ng kanyang magulang naranasan nito sa murang edad ang maghirap at palipat lipat dahil wala silang permanentang bahay at nakikisama lang sila sa kanilang mga kamag-anak.

Lahat ng hirap ay kanyang naranasan, Pati ang pagtira sa kanyang mga kaibigan, pagtulog sa mga kalsada na parang naging palaboy na siya tulad ng mga taong walang matirahan. Subalit sa kabila ng kanyang hirap na dinanas ay naging positib0 ito sa kanyang buhay.

Dumaan ang mga taon, Dahil sa kanyang pagsisikap at positibong pag iisip nagkaroon ito ng masaya at magandang buhay. Nagkaroon din si Diana ng asawa at nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki.

Sa isang pahayag kay Diana, Sinabi niya dito na hindi siya sumuko para makamit ang lahat ng kanyang pangarap, Ang pangarap niya na maging isang Photographer at ipagpatuloy ang advocacy niya tungkol sa mga palaboy at makakuha siya ng degree na law.

Sinimulan ni Diana ang pagkuha ng mga larawan sa mga pulubi at ang advocacy nato noong 2003 na tinatawag niyang “The Homeless Paradise”.

Ipinaglalaban nito at binibigyan ng boses at ipinapaalam sa iba ang bawat istorya ng mga taong walang mga tirahan tulad nalamang ng mga palaboy.

“Ito ang napili kong adbokasiya, Sapagkat alam ko kung gaano ito kahirap. Ito ay aking naranasan alam ko pakiramdam ng itinapon, pinabayaan at hindi pagkakaroon ng katatagan at kalayaan sa ekonomiya na aking minimithi. sa madaling salita naiintindihan ko sila”. saad ni Diana.

Itong adbokasiya ang nagtulak sa kanya para kumuha ng law at pumasok sa isang law school noong 2012. Sa hindi inaasahang pangyayari ang pagiging mahilig niya sa pagkuha ng litrato ay ang naging susi upang makita niya ulit ang kanyang ama.

Ang kanyang ama na nangiwan sa kanila noon siya ay bata pa at tinalikuran sila ng kanyang ina ay isa na ngayong palaboy, may suot na basahan at kung pagmamasdan mo ay payat na payat na dahil sa gutom.

Dahil sa tagal ng panahon na nakalipas hindi na nito makilala ang kanyang anak.

“Nakita ko siyang nakatayo nakatingin sa esplato at tila nalalayo ang kanyang itsura sa normal na tao, Naglakas ako ng loob na tawagin sya pero hindi niya ako naririnig kaya napagdesisyunan kong lapitan siya para tapikin pero wala pa din. Nagmistula akong hangin hanggang sa nakikita na ng tao ang ginagawa ko sa palaboy”. Kwento ni Diana.

Sa pangyayari na iyon naging masama ang loob ni Diana para sa mga taong naging manhid at hindi alam kung gaano kahirap ang dinaranas ng mga taong palaboy. Gusto niyang sumigaw sa galit dahil ang lalaking nakatayo ng ilang araw na don at ang palaboy na yon ay ang kanyang nawawalang ama.

Sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya at sa nararamdaman nitong sama ng loob gumawa parin ito ng tulong para sa kanyang ama na kahit na alan niyang ito ay wala sa katinuan.

Pumasok naman sa isipan ni Diana ang sinabi ng kanyang ama noong siya ay bata pa.

“Wag mo kalimutan kung bakit Diana ang ipinangalan ko sayo dahil ikaw ang magsisilbing liwanag sa kadiliman”.

Muling pinatawad ni Diana ang kanyang ama sa pagkaka abandona nito noong siya ay bata pa, Bagkus ito pa ay kanyang minahal ng lubos sa pagkakataong ito.

Pagkatapos na pangyayari yon ay agad itong inilahad sa kanyang vlog.

“We had a good conversation, and I walked away feeling lighter that day.”

Dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang ama lahat ng paraan ay ginawa niya dito at ipinagamot upang bumalik sa ayos ang kaisipan nito.

Matapos ang mga gamutan sa kanyang ama, agad nakatanggap ng tawag si kim sa kanyang ama na bumuti na ang kalagayan at niyaya si kim na kumain sa labas. Nagkita silang mag ama kung saan natagpuan ni Kim na ang kanyang ama ay isang palaboy.

Saad ni Kim “Pagkalabas ko ng sasakyan tila maayos an ang kanyang itsura kumpara sa inaasahan ko.”

Agad naman nagtungo ang mag-ama sa buddhist temple para magdasal at magpasalamat sa sinapit ng kanyang ama at sa pagkakabalik ng katinuan sa pag iisip nito at higit na pasasalamat nila ay ang muling pagkikita nila sa hinaba ng panahon.

“I feel like I just met my father for the first time today, Out meeting was truly a miracle.” Kwento ni Kim sa kanyang vlog

Patunay lamang ito na habang ang tao ay nagsisikap at maging positibo lamang sa kanyang buhay ay may pag-asa tulad na lamang ni Kim o Diana. Sa lahat ng nangyari sa kanila ng kanyang ama ay mas pinili niya na mas mahalin ito. At dahil sa kanyang pangarap at adbokasiya niya para sa bigyan ng pansin ang mga taong palaboy ay naging daan din sa kanya para magkita silang mag-ama.

Ngayon ay muli ng magkasama ang mag-ama at binabawi nila ang mga taong hindi sila magkasama.