Kilalanin ang “Miracle Baby” na isinilang noong 22/02/2022 2:22AM sa Delivery Room 2

Isa ka rin ba sa mga nag-abang at minarkahan ang February 22, 2022?, Naging usap-usapan sa buong mundo partikular na sa social media dahil umano sa petsang nito na may 2.22.22 dahil isa itong palindrome o pareho ang kalalabasan kahit na ito ay basahin mo pabaligtad.

Nagkataon pa na ito ay tumapat sa araw ng Tuesday kaya naman tinawag ito ng marami na “Twosday”.

Samantala, Sinasabi nga ng marami na ito ay may dalang swerte at isa nga raw sa mga nakasalo ng swerte nito ay ang isang baby girl sa North California sa Amerika.

Siya si Baby Judah Grace Spear, na ipinanganak sa petsa ng February 22,2022 (2/22/22) sa ganap na oras na 2:22 ng madaling araw.

Bukod pa diyan si Baby Judah Grace ay na-deliver sa delivery room 2 ng Alamance Regional Medical, North Carolina. Pero bukod sa petsa, may iba pang dahilan kung bakit espesyal ang pagsilang ng sanggol.

Taong 2014, ng sinabihan na ang kanyang mga magulang na posibleng hindi sila magkaanak dahil na-diagn0se na may canc3r ang babae.

“Very excited, nervous… but mostly exhausted,” sabi ng inang si Aberli Spears, habang karga ang kanyang baby at katabi ang asawang si Hank Spears.

Halos twenty six hours daw ang pagle-labor ni Aberli. Makikita naman sa mukha at sa boses ni Aberli na siya ay masayang masaya ng ma-interview ng WFMY News 2 isang programa ng WFMY-TV na CBS-affiliated TV station sa Greensboro, North Carolina.

Ayon dito nangyari ang interview kay Aberli ilang oras lamang matapos niyang manganak noong “Twosday”.

Masaya naman na nagbubunyi ang buong medical team nang lumabas na ang sanggol ng February 22, 2022 at 2:22 A.M.

Naalala pa nga ni Aberli ng siya ay nagle-labor :

“Everyone… I heard all the nurses screaming in excitement. “And I was like, ‘Wha… what has happened?’ “And I looked at him [Hank] and I was like, ‘What time was she born?’ And he was like, ‘2:22,’ and I was like, ‘Oh, okay.’”

Naging emosy0nal naman si Aberli ng maalala ng mayroon sa kanyang na detect na siya ay may canc3r at sinabing hindi na magkaka-anak.

“The name means praise, Judah… that’s why we picked that name because I was diagnosed with Hodgkin’s lymphoma back in 2014.

“And we were told that we’re probably could not have kids.”

Ayon sa mga eksperto ang Hodgkin’s lymphoma ay dating tinatawag na Hodgkin’s disease na cancer sa lymphatic system.

Si Aberli ay na-diagnose ng sakit na ito tatlong buwan matapos nilang magkakilala ni Hank. Nang malaman daw ito ni Hank ay tanggap niya kung hindi man raw sila magkaanak at hindi ma biyayaan ng anak.

Pero sa interview, umamin si Hank: “Eventually, every man says they don’t want kids, but they do. They do.”

Samantala, maayos ang sanggol na nailabas ng kanyang ina ito ay may timbang na 7 pounds at 10 ounces.

Kaya naman para sa mag-asawang Spears ang birthday raw ni Baby Judah Grace na 2.22.22 ay nagsisilbing paalala sa kanila na huwag na huwag mawawalan ng pag-asa.

Sabi ng emosyonal na si Aberli, “In God’s perfect timing. He never makes mistakes.”

Source: UNILAD