Lalaking masipag mag ukay- ukay, ma-swerteng nakakita ng wallet na may lamang P200,000

Mahilig ka ba mag ukay- ukay? Isa sa mga ugaling Pilipino ay ang pagiging praktikal. Imbis nga naman na bumili ka ng mamahalin at bagong damit, mayroon naman din sa ukay- ukay na mga gamit nang damit ngunit branded.

Maraming magagandang damit sa ukay-ukay lalo na kung pipiliin mo ito ng maayos. Marami rin kwento tungkol sa pagiging ukay-ukay nila dahil nakakatipid sila dito at ang iba naman dito ay ginagawang negosyo.

Sipag at tiyaga ang dapat na ilaan mo sa paghahanap ng damit sa ukay- ukay. Swertihan na lamang talaga sa ganda ng iyong makukuha sa murang halaga.

Ngunit ang lalaking ito ay labis labis ang biyayang natamo matapos mamili ng mga damit sa isang warehouse sapagkat balak niyang mag negosyo ng ukay- ukay.

Pinipili nya ang mga damit na ititinda na ukay-ukay at inaayos para maging presentable para sa kanyang mga suki.

Siya ay si Wan Mohamad Adam Wan Mohamed, 29 years old. Noong una ay nasa halagang RM 100 o P1,200 lang ang kabuuang halaga ng kaniyang mga nabili. Hanggang sa naging suki na siya sa warehouse na iyon at paulit- ulit doon namimili pagkatapos ay isa-sa-ayos na niya sa kaniyang sariling tindahan.

Habang inaayos ang kaniyang huling pinamiling mga damit, mayroon siyang nakapang wallet sa loob ng bulsa. Laking gulat niya nang buksan niya ang pitaka sapagkat ang laman nito ay limpak limpak na pera.

Tinatayang RM 16,800 o mahigit P200,000 ang nilalaman nito. Kasama sa pitaka ang identification ng tunay na may- ari. Kaya nga lang, ang pera na nasa pitaka ay mga Japanese Yen kaya hinala niyang isang Hapon ang may-ari nito.

Wala din pagkakakilanlan ang may-ari ng wallet kaya tinatayang sa kanya na ang kanyang nakuhang na wallet na may laman na pera. Kaya ang kanyang nakuhang pera ay ipupuhunan sa negosyong ukay-ukay. Tunay nga na matatawag itong swerte!