Waiter na minamaliit ng iba, nakapagpatayo ng isang malaki at eleganteng bahay dahil sa trabaho niya

Nakakalungkot isipin na mas tinitingnan ng mga tao ang posisyon mo sa trabaho kaysa sa tagumpay na nakakamit mo. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat na ang sipag at tiyaga ang ang siyang tunay na tulay sa pagkamit ng mga pangarap.

Naging inspirasyon ang lalaking si Jhay Suarez Tuyor na nagtatrabaho bilang isang waiter mula pa noong 2004 hanggang 2012.

Sa haba ng panahon na kaniyang ginugol sa pagtatrabaho, sa wakas ay nagbunga na ang lahat ng ito. Mula sa kaniyang pagsasakripisyo, sipag, tiyaga, pagtitiis, paghihintay at syempre dahil sa pang mamaliit ng mga taong nasa paligid niya.

Hindi naging hadlang kay Jhay ang sinasabi ng iba. Nakapag patayo siya ng isang eleganteng bahay dahil isa siyang masipag at matiyagang waiter na hindi nagpapatinag sa kung ano mang sabihin ng iba.

Narito ang kaniyang post sa Facebook:

“Waiter ka lang pala?

Isang dekada na din ang nakalipas pero ang daming nagsasabi “waiter ka lang pala, oh mag praktis ka na mag bugaw ng langaw dito sa hapag kainan”

Opo , waiter lang po ako dito sa larangan ng pagiging waiter;

-Makakasalamuha lahat ng klase ng tao, simula sa pagiging dishwasher hanggang sa pinak- sikat na tao hanggang sa Presidente ng Pilipinas matututo ka makisama. Paano? Aba diskarte mo na yan.

-Dito nagkamali ka humanda ka sa bunganga ng Manager mo dapat di ka iiyak ha? Yung tipong ipaparamdam sayo na ikaw na pinaka-t@ngang tao na nabuhay sa mundo tapos haharap ka sa guest mo dapat daw naka smile na parang walang nangyare? eh kaso mainit din ulo ng guest mo kasi nagkamali ka dahil sa bulyaw ng manager mo? hahaha GOODLUCK

-Waiter, Opo. Tatayo ka lang naman ng higit sa walong oras, takbo dun takbo dito. Buhat dun buhat dito, tapos kapag natapunan mo ng tubig yung guest mo naka-lacoste sasabihin sayo, mas mahal pa tong damit ko kesa sayo , paano ngayon ‘to? kulang pa sweldo mo dito patawag ng manager nga hoy.

Nga ho pala, sa pagiging waiter ko po ng mahigit wal0ng taon ((2004-2012)) napatayo ko po yung pangarap kong bahay. Yung may malaking garahe at napakalaking kitchen unti-unti ho yan. Bawat sentimo ho ng sweldo ko dyan napupunta simula ho sa tiles sa living area hanggang sa gate ho ng garahe.

Huwag kang mapapagod kaibigan, Nasa kabilang buhay ang pahinga habang bata tayo kayod lang ng kayod tapos wag ka magpapatukso sa kung anong meron ung tropa mo, mas masarap nakabili ka na muna ng lalagyan, ngayon may bahay kana BAHALA KA NA SA TRIP MO, GUSTO MO PUNUIN MO NG SAPATOS YAN, maniwala ka.

Mas msrap mag-PAKASARAP sa huli, kesa panay ka pasarap ngayon, ending? walang humpay na kayod..”