Ina na OFW, naging emosyonal dahil hindi kilala ng kanyang sariling anak pag-uwi nya dito sa Pilipinas

Usap-usapan ngayon sa social media ang Nanay na isang Overseas Filipino Worker (OFW) ito ay matapos niyang ibahagi sa social media ang kanyang naramdaman na may halong saya at lungkot ng siya ay umuwi dito sa bansa.

Ayon sa OFW na si Nanay Mariabel Delapeña Rustia, dalawang taon mahigit daw siya nakipagsapalaran sa ibang bansa para sa pamilya, subalit ng siya ay umuwi dito sa bansa ay imbis na puro saya ay nahaluan ito ng lungkot ito dahil sa kanyang pag-uwi tila hindi siya kilala ng kanyang 3 years old na anak dahil nang kargahin niya ito nag-iiyak ang bata at ayaw magpakarga kay Nanay Mariabel.

Paglalahad ni Mariabel, 7 months pa lang ang kanyang anak ng ito ay kanyang iwan upang maghanapbuhay sa Saudi, Kaya naman ang kanyang Nanay at Tatay ang tumayong magulang ng kanyang anak.

“Pero nung nasa Saudi pa ako.. Tanggap ko na talaga na pagka uwi ko dito sa, pinas. Na talagang hindi na ako kilala ng anak ko. Dahil 7 months pa, lang iniwan ko na sya sa parent ko,” ayon kay Mariabel.

Kwento pa ni Mariabel, Ang pag-aakala niya raw ay makakaahon sila ng kanyang pamilya sa hirap kapag ito ay nakapagtrabaho na sa abroad subalit mas masakit pa daw umano ang naging kapalit nito.

“Pero ang mas masakit after two YEARS buhay ofw. Pag uwi ko dito sa pinas di na ako kilala ng anak ko,” sabi niya.

Dahil sa naranasan na ito ni Mariabel ay nagbigay siya ng paalala at payo sa ibang nanay na kapwa niya OFW na mayroon din anak na iniwan dito sa bansa upang maghanapbuhay sa abroad.

Basahin ang post ni Mariabel sa ibaba:

“Halong emosyonal ang naramdaman ko. Masaya at malungkot.

“Pero nung nasa Saudi pa ako.. Tanggap ko na talaga na pagka uwi ko dito sa, pinas na talagang hindi na ako kilala ng anak ko. Dahil 7 months pa, lang iniwan ko na sya sa parent ko.

“Para makipagsapalaran sa manila hanggang nakita ko ang isang aportunity na makapag abroad. Kala ko kapag abroad makakaahon na kami sa hirap ng buhay. Kala ko after two years. Mabibili ko na lahat mga Pangarap ko para sa Pamilya ko. Hindi pala. Pero ang Mas masakit after two YEARS buhay OFW. Pag uwi ko dito sa pinas di na ako kilala ng anak ko. Kasi iba na ang kinikilala nya mga MAGULANG.

“Ang nag-alaga sa kanya from 7 months to 3 years old ay ang kanyang Lolo at Lola.

“Masakit Pero kelangan ko tanggapin

“Kaya payo ko sa, inyo mga ka ofw ko na Katulad ko may anak na baby. Iniwan nyo dito sa pinas.

“Wag nyo na patagalin pa dyan. Habang hindi pa huli ang lahat. Kung may isang oportunidad na dumating sa inyo dyan habang andyan pa kayo. Sunggaban nyo. Grab nyo na. Kung Alam nyo naman yung opportunity na yun siya magpapauwi sa inyo dito. AT di nyo na kelangan pa ulit mg abroad at iwan yung mga mahal nyo sa buhay dito sa Pinas.

“#DATINGOFWRAKETERA