Lalaking hindi natanggap noon sa trabaho dahil sa kanyang itsura, nagparet0ke ng 9 na beses

Aminin man natin o hindi dito sa ating bansa halos lahat ng kumpanya ay bumabase sa mga hitsura ng kanilang aplikante bago nila ito tanggapin at bigyan ng trabaho.

Kaya nga makikita natin sa ibang kumpanya na humihingi sila ng ilang kwalipikasyon, tulad ng height, weight at kung minsan ay mayroon din kulay o kompleksyon ng isang aplikante para maging kwalipikado sa isang posisyon o trabaho na dapat nilang gampanan.

Katulad ng naranasan ng isang Lalaki na mula sa bansang Vietnam. Siya si Do Quyen, sumikat siya sa social media matapos siyang mag viral ito ay dahil sa kanyang naging desisyon na sumailalim sa pagpapa-ret0ke o pagpapa-ayos ng bahagi ng katawan ito ay matapos na ilang ulit siyang hindi matanggap sa kanyang ina-applyan na trabaho.

Ayon sa 26-anyos na si Do Quyen madalas daw siyang pagtawanan at kung minsan ay nasabihan pa siya ng masakit na salita dahil sa kanyang itsura.

Ilang beses raw siya sumubok na maghanap ng trabaho subalit lahat ng ito ay hindi siya tinanggap at nakatanggap pa siya ng pangungutya dahil sa kanyang hitsura.

Hindi madali ang sinapit na pangungutya at panghahamak ng mga tao kay Do Quyen kaya naman nakapagdesisyon siyang magparetoke at magpaayos ng mukha.

Aminado ang binata na tutol sa kaniyang desisyon ang kanyang mga magulang pero nakapagpasya na ito at buo na ang loob na baguhin ang kanyang pisikal na katangian upang makapagsimulang muli.

Samantala, hindi lamang isa o dalawa ang ginawa niyang operasyon kundi siyam na beses itong nagpaplastic surg3ry upang makamit ang ninanais na magandang hitsura.

Ilan samga naging prosesong pinagdaanan ni Do Quyen ay ang mga sumusunod : Rhin0splasty, Chin impl@nt, Porcelain venéers, lip reshaping, double eyelid surg3ry, lip implants at iba pa.

Marami ang nagtatanong magkano kaya ang inabot ng mga prosesong ito?

Ayon sa binata umabot lang naman sa $17,256 dolyares o katumbas ito ng P847,977 pesos ang lahat ng nagastos sa mga surg3ry.

Mayroon naman na iilan na hindi natuwa sa kanya at may bumabatikos man na iba sa kanyang ginawa. Hindi nagsisisi si Do sa naging desisyon at lubos na natutuwa sa kinalabasan ng kanyang ginawa.

“My standard of beauty is when you look at yourself in the mirror and you feel good about yourself,” sabi ni Do Quyen.

Samantala, Para naman sa lahat kung ikaw ay magiging masaya sa isang bagay wala ka dapat pagsisihan. Ang mahalaga ay nagawa mo ang nais mo at ito ang magpapasaya sayo.