Lalaking nais sorpresahin ang kaniyang nobya na may kaarawan, ginulat ng isang mapait na katotohanan

Paano mo masasabing mahal mo yung tao? Kapag binigyan mo ng mga bagay na mamahalin, mga bagay na normal na ibinigay ng isang kasintahan o kapag ito na ay iyong ipinaglaban? Ngunit paano mo ipaglalaban ang taong matagal ka na pa lang binitawan?

Wala nang mas sasåakit pa sa pakiramdam ng isang indibidwal na tila niloloko na lamang ng kaniyang kabiyak. Walang ka   malay malay na hindi ka na pala nag-i-isa sa puso niya kung hindi kayo pala ay dalawa na!

Ang hirap din kapag hindi mo palagi nakikita o nakakasama ang taong mahal mo dahil sa panahon ngayon ay mas lamang na ang paghihiwalay kagad kaysa sa pagsasama ng matagal.

Makabagbag damdamin ang ibinahagi ng lalaking si Ken Wong na kung saan ay talagang binuhusan niya ng effort ang kaniyang nobya dahil kaarawan nito. Makikitang bitbit ni Wong ang napakagandang bulaklak na ibibigay sana niya sa kaniyang nobya.

Nais sana niyang sopresahin ito kaya naman palihim siyang pumunta sa condo ng kaniyang nobya ngunit tila siya ang nasorpresa sa kaniyang nakita.

Agad siyang nag tago nang makita niya ang isang lalaki at babae na wagas kung maka yapos sa isa’t isa. Pamilyar sa kaniya ang babae kaya noong tiningnan niya, ito ay walang iba kung hindi ang kaniyang nobya.

Nanatiling nagpapakumbaba si Wong kaya imbis na sugurin ang dalawa, nanatili lamang siyang nasasaktang mag isa sa isang tabi habang pinapanood ang dalawa. Kinuhanan niya ng larawan ang sarili kasama ng regalong bulaklak at nagtaksil na nobya.

“Today is my girlfriend’s birthday, so i thought of giving her a surprise. I didn’t expect to see this scene”.