Dalawang magnan@kaw, napilitan isauli ang hinabl0t sa food rider matapos nitong umiyak ng malakas

Sa panahon ng New Normal, isa sa ating mga inaasahan ay ang mga Food delivery riders upang maghatid sa atin ng mga pagkaing nakasanayan nating kainin sa labas noong wala pang pandemya.

Ngunit sa kasamaang palad, ang mga taong nagtatrabaho ng marangal ay nakukuha pang lokohin, sa pamamagitan ng sc@m, m0dus, cancellation at mapagpanggap na customers. Sa kabila ng ganoong sitwasyon, madami pa din ang nagpapatuloy sa kanilang serbisyo para sa kapwa.

Isa sa naging trabaho ng marami nitong pand3mya ay ang pagiging delivery rider dahil nauso na din ang mga delivery foods, gamit at iba pa.

Kagaya na lamang isang food delivery rider na ito na makikitang nabiktima ng riding in tandem na kung saan binalak na kuhanin ang mahalagang bagay sa kaniya.

Ayon sa World of Buzz, ang dalawang magnanak@w sa Karachi, Pakistan ay sinubukang nak@wan ang food rider. Ngunit hindi na nila ipinagpatuloy ang kanilang maitim na balak nang humagulgol ang rider na nag udyok sa dalawa upang ibalik ang kanilang hinablot.

Makikita sa video na inupload sa Twitter account ng The Express Tribune (@etribune), imbis na umalis ang riding in tandem matapos manghablot ay napilitan silang ibalik ang kanilang ninakaw sa food delivery rider nang marinig at makita nila kung paano ito humagulgol na tila doon na nakasalalay ang kaniyang buong buhay.

Ibinalik agad ito ng dalawa, binigyan ng yakap, nakipag kamay at tinapik pa ang balikat ng ninakawan na rider. Makikitang nagpapahid pa ng luha ang food delivery rider habang at pagkatapos ng lahat.

Tunay ngang mayroon pa ding kabutihan sa likod ng mga madidilim na mascara.