Isang Lola iginap0s ng taong bayan matapos pagbintangan na ito ay isang Aswang

Karamihan sa atin ay naniniwala sa mga hindi nakikitang nilalang gaya na lamang ng dwende, kapre, manananggal, mangkukul@m o ano pa man.

Kadalasan ang isa sa kinatatakutan din ng mga bata o matatanda ay ang tinatawag na Aswang. Madalas tayo makapanood sa telebisyon ng iba’t ibang uri ng aswang kung saan nakasanayan na natin ito paglaki na mayroon nito.

Totoo nga ba na may aswang o ito ay haka-haka lang natin dahil sa malawak na kaisipan natin?

Usap-usapan ngayon ang isang post ng “Hinigaran Daily Bulletin” ito ay ang tungkol sa di umano mayroon daw isang aswang sa Brgy, Gargato Banwa Hinigaran.

Ayon sa mga residente dito nakita daw nila ang matandang babae na nasa ibabaw umano ng bubong kaya naman dali-dali ang mga ito na nagsisigaw na may aswang umano.

Naganap daw ito noong buwan ng Pebrero 03, 2022 ng madaling araw, sinabuyan daw nila ito ng asin at pinababa sa bubong at iginap0s sa takot ng matanda ay sumunod na lamang ito dahil may mga dalang kahoy ang mga residente.

Maya-maya lamang ay dumating ang mga kamag-anak ng matanda at pinag-sabihan ang mga kapitbahay na hindi aswang ang kanilang lola ito raw ay may sakit lamang sa pag-iisip at hindi nito alam ang kanyang ginagawa.

Subalit ang ilang residente ay hindi naniniwala bakit daw napunta ang matanda sa bubong ng mga kapitbahay.

Samantala, ibat-iba naman ang naging reaksyon ng mga residente dito ang ilan ay nagsasabi na sana daw ay hindi iginapos ang matanda sa halip ay pababain nalamang ito dahil sa takot ng iba ay mas pinili nilang itali ang matanda dahil sa pag-aakala na ito ay aswang.