Anim na 1 million Argentine Money na nakuha sa bulsa ng ukay-ukay na damit, ibebenta ngunit dismayado nang ipapalit na

Kung pagiging praktikal lang din ang usapan sa pamimili ng damit, ukay- ukay ang sagot dyan. Marami rin ang umaasenso sa ukay-ukay dahil ginagawa itong negosyo ngayon ng mga online seller.

Marami rin ang nag ukay-ukay dahil sa mura na ito ay may kalidad din lalo na kapag marunong ka pang pumili ay talaga naman makaka-jackpot ka sa iyong mapipili.

Madami sa atin ang mas tinatyaga ang paghahanap sa mga ukay- ukay upang makamura kaysa mamili ng damit sa mga mall na doble o triple pa ang presyo.

Sa katunayan, ang mga damit na ibinebenta sa ukay- ukay ay magaganda ang kalidad at tatak ngunit kinakailangan lang talaga na masipag kang maghanap at bonus point na lang kung may pera pang naka-ipit dito.

Samantala, labis na swerte at pagkadismaya ang naranasan ng ukay- ukay seller na nakilalang si Badang mula Quezon City.

Nakita niya ang anim na piraso ng 1,000,000 argentine mula sa damit na ibinagsak sa kaniyang ukayan ng isang kilalang fashion retailer shop.

Nang tingnan ng kaniyang anak ang halaga ng nakuhang pera, ito ay may katumbas na 5 million pesos ang halaga. Labis ang kaligayahan na kaniyang naramdaman kaya’t ipinlano na niya ang kaniyang gagawin sa pera.

Nais niyang makapagpagawa siya ng bahay, mga bayad ng utang at sa pag-aaral ng kanyang mga anak at ibahagi rin sa kanyang pamilya. Ngunit ang mga pangarap at plano na ito ay naglaho nang sabihin ng mga eksperto na ang perang kanilang nakuha ay may halaga na lamang na 8,600 pesos.

Ang perang kanilang nakuha ay demonetized na pala at, ito ay nakumpirma mismo sa embahada ng Argentina.