Tatay na pumanaw ng mag-isa sa loob ng kanyang bahay matapos iwanan ng kanyang mga Anak, ikinalungkot ng madla

Nakiki-isa at nakikiramay ang mga netizen sa kanilang nabalitaan tungkol sa sinapit ng isang Ama na si Tatay Rodolfo matapos itong puman@w ng mag-isa sa loob mismo ng kanyang bahay, Hindi na raw nabanggit ng kanyang mga kapitbahay kung ano ang sanhi o dahilan ng pag-pan@w ni tatay Rodolfo.

Kung matatandaan si Tatay Rodolfo ay natulungan pa ng isang grupo ng mga volunteer na “PARACLE” dahil sa kwento ni Tatay Rodolfo na mag-isa na lamang naninirahan sa kanyang maliit na tahanan.

Nang mga panahon na yon ay napag-alaman ng grupo na bukod sa mag-isa raw si Tatay Rodolfo sa buhay ay iniwanan daw ito ng kanyang mga anak at nanirahan sa malalayong lugar at kahit isa sa mga ito ay walang may kakayahang mag-alaga sa kanya.

Kaya naman walang ibang malapitan at mapuntahan si Tatay Rodolfo kung kaya’t mag-isa nalang itong namumuhay.

Matapos tulungan ng mga Volunteer at maabutan ng tulong makikita kay Tatay sa mga oras na yon ang maging masaya at naluha pa nga ito dahil sa kabila ng pag-iwan sa kanya ng mga mahal niya sa buhay ay heto ang mga taong hindi niya kadugo na lubos na tumutulong sa kanya.

Samantala, sa mga ngiti at pagpapasalamat ni Tatay Rodolfo makalipas lamang ang ilang buwan ay namayapa na siya, Sa loob mismo ng kanyang tahanan na siya lamang mag-isa.

Labis naman ang pagkadismaya at pagkalungkot ng mga kapitbahay ni Tatay Rodolfo, dahil sa kabila ng kanyang pag-aalaga sa mga anak nito ay ni isa walang nag tyaga o nagpakita man lamang upang matignan ang kalagayan ng kanilang magulang.

Ang mga netizen naman ay nag-abot ng pakikiramay sa sinapit ni Tatay Rodolfo, nawa’y hiling ng marami na sana ay nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon kapiling ang mahal na Panginoon.