Security Guard na naboring habang naka duty, ginuhitan at nilagyan ng mata ang mamahaling painting na may halagang P43M!

Trabaho ng mga Security Guard ang panatilihing ligtas ang mga tao sa isang gusali, sila rin ang tumitingin sa mga gamit na dala ng mga customer o visitors para siguraduhin na walang dala ang lahat na nakakapinsala sa iba upang masiguro ang seguridad ng lahat ng nasa gusali.

Subalit alam naman natin na kung minsan ang trabaho bilang Security Guard ay nakakaramdam rin ng pagkabagot dahil sa pagtayo nito na halos maghapon at magdamag lalo na kung ikaw ay matatapat sa pang gabi na duty.

Siguradong ikaw ay dalawin ng antok subalit kailangan mo itong labanan dahil ikaw ay naka duty sayo nakasalalay ang seguridad ng gusaling iyong binabantayan.

Samantala, katulad sa ating pinag-uusapan tungkol sa security guard mayroong isang insidente ang hindi malilimutan ng marami lalo na ang tagapamahala ng isang Museum na ito.

Matapos kasing ma-boring o ma bored ng isang security guard na nagbabantay ng gusali nakita nito ang isang painting na nagkakahalaga umano ng P43,063,332 ay naisipan nitong lagyan ng mga mata ang naturang painting.

Ang tinutukoy na museum ay ang Art Gallery na matatagpuan sa Russia, ayon sa naturang tagapamahala ng Art Gallery na si Anna Leporkasaya ay may nag report sa kanya mula sa kanyang email at sinend ang larawan ng isang painting na may guhit na mga mata.

Nagulat naman ang tagapamahala at paano daw ito nangyari at sino raw ang may gawa nito. At sa kanilang pag-iimbestiga ay nalaman nila na ang sal@rin pala ay ang kanilang mismong Security Guard na naka duty noong gabi ng insidente.

Umamin naman agad ang naturang Security Guard sa kanyang naging kasalanan  ayon sa kanya dala daw ito ng kanyang pagkabagot sa trabaho kaya niya ito nagawa.

Subalit kahit pa humingi ng paumanhin ang naturang security guard ay hindi ito naging katanggap-tanggap sa kanila kaya naman ginawan nila ito ng aksyon.

Sa kasalukuyan ay gumagawa ang naturang Museum ng pagsasaayos para sa painting at muling ibinalik ito sa dating itsura at nagbayad ang naturang art gallery sa restoration nito ng mahigit P143,738.