Pulis, tinulungan ang lolo na vendor at pinalitan ng totoong pera ang ibinayad kay lolo na pekeng pera! Ikinaantig ng madla!

Nakakalungkot ang sinapit ng isang lolo vendor na matiyagang naghahanapbuhay, Naloko siya ng isang customer na babae na bumili sa kanya at nagbayad ng pekeng pera.

Hindi napigilan maiyak ni Lolo Pedro Salarzon 74 taong gulang ng malaman niyang peke pala ang ibinayad sa kanya.

Kwento ni Lolo, bumili daw sa kanya ang naturang babae ng seedings sa halagang 40pesos at sinabi ng babae na wala daw siyang barya umano kaya naman inabit nito ang P1000, saad pa ni Lolo hindi naman daw kaduda duda ang babae at nagprisinta naman si Lolo na mayroon siyang panukli kung kaya’t sinuklian niya ito.

Nakipagkwentuhan pa nga daw ang naturang babae at pagkatapos raw i-abot ni Lolo Pedro ang sukli ay dali-dali din itong umalis, huli na nang malaman ni Lolo Pedro na peke pala ang pera na ibinayad sa kanya.

Dahil sa pangyayari nanlumo si Lolo Pedro at hindi napigilan ang ma-iyak, sinabi na lang nito na ipinasa na lamang niya sa Diyos ang naturang nangyari.

Samantala, tila dininig naman agad ng langit ang dasal ni Lolo Pedro, dahil may isang Pulis na naka-uniporme ang lumapit sa kanya at siya ay kinausap. Nakilala ang Pulis na si Police Sergeant Maximino Ramos at matapos magkausap ang dalawa pinalitan ni Sir Ramos ang pekeng pera ng tunay na P1,000.

Labis ng kasiyahan ni Lolo Pedro, ang lahat ng kanyang panlulumo at lungkot ay agad napawi ng ngiti at tuwa. Ayon kay Lolo malaking bagay raw ito para sa kanya dahil dito daw nakasalalay ang kanyang puhunan at paninda.

Nagpapasalamat din si Lolo Pedeo kay Police Sergeant Maximino Ramos. Kahanga-hanga ang ginawang ito ni Sir Officer isa siyang tunay na huwaran para sa marami.