BB Gandang hari, muling binuhay ang dating katauhan bilang si Rustom Padilla

Sa Instagram account mismo ni Rustom Padilla o mas kilala natin ngayon bilang si BB Gandanghari, nag-post si BB ng isang video na tila ipinaparating niya sa kanyang mga tagahanga na binubuhay nyiang muli ang katauhan ni Rustom gamit ang isang app makikita rito na mayroon siyang balbas at bigote.

Ayon sa aktor magkakaroon daw siya ng isang mini series kung saan ay ibibida niya rito ang dalawa niyang katauhan.

“When Past catches up with the Present…And who will prevail? Papayag kaya si BB to have a haircut. Abangan sa very mini #reels series na ito, pinamagatan. ‘Hiram na Katawan’, Pampa #goodvibes lang mga tol — Rustom,” caption ni BB sa kanyang IG.

Samantala, dahil sa post na ito ni BB hindi naman napigilan ng mga netizen na magbigay ng kani-kanilang reaksyon, Ang iba ay nagsasabi na miss na miss na nila si Rustom Padilla.

Para sa kaalaman ng lahat, isa si Rustom Padilla sa mga minahal ng mga netizen dahil sa pagiging action star nito at likas na ganda ng katawan at kagwapuhan.

Narito naman ang ilang mga komento ng netizens :

“Ang gwapoooo talaga ni Rustom”

“Nakakamiss siya ang crush na crush ko dati Rustooooom! Pakalalaki kana ulit Please!”

“crush na crush ko talaga si rustom padilla grabe yung mga action movies nya! kaka-inlove!!!”

Samantala, kalakip ng sunod na post ni BB makikita na nagbalik na to sa kanyang tunay na kaanyuhan bilang si BB Gandang hari na kunwari dito ay kinokompronta niya ang kanyang twin Brother na si Rustom.