Pokwang, nagulat sa kanyang anak matapos iyakan nito ang pagkamat@y ng kaibigang langaw

Naaliw ang mga netizen sa social media sa anak ng actress-comedian Pokwang na si Malia ito ay dahil sa naging reaksyon nito matapos niyang malaman na namatay na ang kanyang kaibigang langaw.

Sa mismong Instagram account ng aktres ibinahagi nito ang video ng kanyang anak na labis na naghihinagpis dahil sa pagkamatay ng kaibigan nito.

Kung papanoorin mo ay parang normal lamang na umiiyak tulad ng nawalan ng mga malalapit sa iyo subalit naloka si Pokwang ng malaman nito na ang iniiyakan ng kanyang anak ay ang pagkam@tay ng kaibigan nito na isang Langaw.

Kitang-kita sa video ang pag-iyak ni Malia habang makikita rin dito ang napatay ni Pokwang na Langaw.

“Here’s your friend. She’s d3ad. I’m sorry,” saad ni Pokwang sa kanyang anak.

Nag-walkout naman agad ang kanyang anak na si Malia habang ito ay patuloy sa pag-iyak at sambit nito sa kanyang Mama Pokwang.

“I want my friend back”

“Don’t cry. There’s so many flies outside” pagpapatahan ni Pokwang sa kanyang anak.

Nagtanong pa ang aktres sa kanyang anak kung ano ang pangalan ng kanyang sumakabilang buhay na kaibigan ngunit hindi daw alam ni Malia.

Dahil sa pangyayaring ito maraming netizen ang naaliw sa Mag-ina katulad na lamang ng mga kapwa artista nila na si Jolina Magdangal at Almira Muhlach.

“Soooo cute!! HAHAHA!” Saad ni ALmira

Napa “Awwww” naman si Jolens sa kanyang post.

Narito naman ang naging pahayag ni Pokwang.
“Iniyakan niya friend daw niya si Fly. Wawa naman si Tisay, Sa sobrang buryong sa bahay pati langaw kaibigan narin”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)