Halos 6-milyon piso na banana artwork, kinain lamang ng isang lalaki na nagutom sa Art Show

Sa ginanap na isang Art Show sa isang Art Gallery ng Art Basel Miami, Florida naging agaw pansin ang isang artwork na nakadisplay dito, Isang kakaibang likhang-sining ang nakadikit sa pader ng nasabing Art Gallery.

Itinatampok sa Art show na ito ang isang banana artwork kung saan tunay na hinog na saging ang nakadikit sa mismong pader ng Galerie Perrotin.

Ang naturang saging na ito ay nakadikit gamit ang duct tape. Ang artwork na ito ay talagang naging usap-usapan dahil ito raw ay ibinebenta sa halagang $120,000 o P6,000,000 million pesos.

Ang artwork na ito ay tinatawag na “Comedian” na gawa ng tanyag na Italian artist na si Maurizio Cattelan. Si Maurizio Cattelan ay isa sa mga kontrobersyal at kilalang manlilikha ng contemporary art.

Gumagawa siya ng kanyang mga likha mula sa mga materyales at mga bagay na sadyang mapaglaro at pumupukaw sa imahinasyon kaya naman ito ay sadyang pinag-uusapan at marami ang nagkokomento ukol sa mga likha niya.

Samantala, ang artwork na ito ni Maurizio Cattelan na tinatawag na ‘Comedian’ ay naibenta sa halagang $120,000 o katumbas ng anim na milyong piso at ito ay nabili ng isang French Art Collector.

Makalipas lamang ang ilang araw, ang naturang artwork ay naging trending matapos kainin lamang ng isang lalaki.

Isa raw performance artist mula pa sa Georgia, USA ang lumapit sa banana artwork ni Cattelan at walang anu-ano’y bigla na lang daw nitong kinuha ang saging na nakadikit sa pader at binalatan pagkatapos ay kinain ito sa harap pa mismo ng mga gulat na gulat na mga art fans.

Ang lalaki ay nakilalang si Datuna , nakuhanan ang mismong pangyayari makikita rin sa video ang mismong pagkain ni Datuna sa naturang artwork.

Sabi pa nito “Art Performance.. Hungry artist. I love Maurizio Cattelan artwork and I really love this installation. its very delicious.”

Dahil sa pangyayari, agad na may lumapit na isang gallery official at pinasunod si Datuna upang kausapin ukol sa ginawa nito.

Agad naman naresolba ang naging isyu at ayon kay Lucien Terras na Director of Museum Relations ng Galerie Perrotin, hindi naman daw umano nasira ang naturang artwork.

Ayon dito “He (Datuna) did not destroy the artwork, The banana is the idea.”

Dagdag pa ni Lucien Terras. interesado raw ang mga Art collectors sa mismong Certificate of Authenticity ng Artwork kaysa sa mismong saging dahil hindi naman dwa ito magtatagal dahil ito ay mabubulok din at kailangan ring palitan.

Ang may-ari naman ng Art Gallery na si Emmanuel Perrotin ay hindi umano nagustuhan ang ginawa na ito ni Datuna sa naturang artwork ni Cattelan.

Subalit sa huli ay nasolusyunan naman ang naging problema. Matapos ang labinlimang minuto ay napalitan naman agad ang saging na artwork at ito ay idinikit muli sa pader.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinaguusapan ang pangyayaring ito, At ayon sa marami nakatulong din ang pangyayaring ito upang sumikat at makilala ng husto ang naturang artwork at museum.