Mala-higanteng ahas ginawang alaga ng isang pamilya, Viral!

Marami sa atin ang nag-aalaga ng mga hayop lalo na gaya ng aso at pusa kung saan itinuturing nila itong kasama sa pamilya. Nasanay din sa atin na ang kanilang mga alaga ay nasa loob ng kanilang bahay na parang tila kapatid o anak ang turing.

Ngunit paano na lamang kung ang alaga mo ay isa sa nakakakilabot alagaan gaya ng isang ahas? Di lamang basta basta ahas kundi isang malaking ahas!

Tila hindi makapaniwala ang mga netizen sa isang nag viral na video online, makikita dito ang isang bata na relax na relax mag laro ng kanyang cellphone habang nakapalibot ang mala-higanteng ahas.

Kitang-kita rin na tila nagrerelax din ang alaga nitong higanteng ahas, Ito raw ay alaga ng kanilang pamilya. Bagama’t sanay na daw ang buong pamilya nila sa kanilang alagang higanteng ahas ay may i-ilan pa rin at natatakot at halos di makapaniwala na ito ay kanilang alaga.

Sa video na nagviral makikita rito na kinukuhanan ng isa sa mga kaanak ang kanilang alagang ahas. Ang ahas daw na ito ay tinuturing nilang kapamilya dahil maliit palamang ito ay kanila na itong inaalagaan.

Tiwala naman daw ang kanilang pamilya na walang gagawin sa kanila ang ahas na ito dahil ito ay kanilang alaga.

Ayon pa sa naturang pamilya ang higanteng ahas daw na ito ay may dalang swerte sa kanilang pamilya, kaya naman ang naturang alaga ay patuloy sa paglaki nito dagdag pa ng may-ari nito parang tao rin daw ang ahas na ito dahil naglalambing ito sa tuwing pumupulupot sa bawat miyembro ng pamilya.