Lola na naglalako ng basahan, napag-alamanan na sinasaktan ng apo at pinagtitinda si lola para may pang-suporta sa kanya

Dala ng kahirapan sa ating buhay ay wala na ngayon pinipiling edad ang paghahanapbuhay. Bata man o matanda ay pilit na nagsusumikap at kumakayod kumita lamang para may pangtustos sa pang araw-araw na pangangailangan.

Tulad ng kwentong ito na ibinahagi sa social media, ang kwento ng isang Lola na sa kabila ng kanyang edad at mahinang pangangatawan ay patuloy pa rin siya sa kanyang paglalako ng paninda.

Ang kwento ni Lola ay ibinahagi ni Mailin Buenconsejo Tiong sa kanya mismong Facebook Account. Ayon sa post ni Mailin lagi raw niyang nakikita si Lola na naglalako ng Doormat rug sa kalsada.

Ang naturang Lola ay taga San Pablo Castillejos Zambales, araw-araw ay naglalako ito ng doormat rug para may ipambili ng pagkain.

Kaya nang makita ni Mailin ang kalagayan ng Lola, naawa siya rito dahil sa kabila ng edad nito at hirap na sa paglalakad ay naghahanapbuhay pa rin ito. Nalaman pa ni Mailin na sinasaktan di-umano ang Lolang ito ng kaniyang apo dahil nakita niyang bali sa bras0 at tahi sa likod ng binti ng matanda.

Hindi naiwasan ni Lola na magkwento at magsumb0ng kay Mailin tungkol sa ginagawa sa kanya ng sariling Apo. Sinabi naman ni Lola kay Mailin na ang kinikita raw niya sa paglalako ay siyang pinang-su-suporta niya sa kanyang apo para sa kanilang pagkain araw-araw.

Sa awa ni Mailin sa matanda bumili siya ng doormat rug dito para mabawasan kahit papaano ang paninda ni Lola. Kaya naman para matulungan si Lola nanawagan si Mailin sa social media na kung sino man ang makakita kay Lola ay bumili kahit papaano ng doormat dahil malaking tulong na ito kay Lola.

Bukod sa panawagan ni Mailin na bumili ng paninda ni Lola, nanawagan din siya at humihingi ng tulong na mahuli ang apo ng matanda at matigil ang pananakit na ginagawa nito. Dahil sa kabila ng edad ni lola ay hindi na dapat ito naghahanapbuhay at higit sa lahat ay hindi dapat ito sinasaktan

Sana ay itong mga taong ito na katulad ni Lola ang dapat matulungan dahil sila ang labis na nangangailangan sa kanyang edad ay hindi na dapat siya naglalako o naghahanapbuhay subalit dala ng kahirapan walang pagpilian si Lola kundi ang kumayod para mabuhay.