Service crew, labis na nalungkot matapos makita ang iniwan na sulat ng customer sa maliit na tissue

Karaniwang nakikita natin na kumakain sa mga sikat na fast food chain o kaya man restaurant ay yung mga taong nagdadaos ng selebrasyon at masaya kasama ang kanilang buong pamilya o kaibigan.

Nakasanayan na din ng mga bata ang maging paborito ang ilan na fast food chain sa ating bansa. Ang ilan pa sa mga bata ay dito idinadaos ang kanilang kaarawan, graduation at iba pa.

Makikita ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Ang bakas ng saya sa kanilang mga mata. Ngunit ang kwentong ito ay tila nag pabago sa pananaw ng ilan na sa kabila ng lahat ng kaligayahan, naroon pa din ang sªkit, lungkot at bigat ng pinagdaraanan.

Kagaya na amang ng sulat ng isang customer na ito na ibinahagi ng isang Jollibee crew na si Mark Noguera. Ang mensahe ay nakasulat lamang sa isang kapirasong tissue na iniwan nito sa kaniyang mesa pagkatapos kumain.

Nakasaad sa mensahe na tila nagpapaalam na ang customer sa sikat na fast food chain na Jollibee pagkat pinagbabawalan na daw siya ng d0ctor na kumain ng ganitong pagkain dahil siya ay napag-alaman nang may Stage 2 na malubhªng karamdaman.

Tandang tanda pa daw ni Mark ang hitsura ng babae na kumain sa kanilang branch sa Signal Village bandang alas- tres ng hapon. Ang edad daw ay mga nasa late 20’s na at nakasalamin.

Dahil dito, ang lahat ng staffs doon ay nagdasal sa mabilis na pag galing ng nasabing customer at sinabing huwag mawalan ng pag- asa pagkat mayroon pa ding Diyos na handang tumanggap at magpagaling ng kaniyang mga anak.