Mag-asawa na ang ulam ay tanging chichirya, inulan ng ‘BIYAYA’ at kinaantigan ng madla!

Isang kwento ang umaantig at nagpaluha sa atin sa isang social media post sa Facebook, Ang naturang post ay ibinahagi ng isang netizen kung paano tinulungan ng may mabubuting loob ang mag-asawang tanging chichirya na lamang ang inuulam sa kanin para maipang tawid gutom at mapunan ang sakit sa kanilang sikmura.

Ang post na ito ay ibinahigi ng netizen na si Shang Marquez, Siya ang naging tulay para matulungan ng publiko si Tatay Ricardo at ang kanyang pamilya.

Sobrang hirap ang dinaranas ng pamilya ni Tatay Ricardo ngayon lalo na sa panahon ngayon na lockdown. Ayon sa netizen lage niya nakikita si Tatay na bumibili sa tindahan kasama ang kanyang misis ng chichirya sa halagang dalawampiso.

Talaga naman na nakahahabag at nakakaawa ang pamilya ni Tatay Ricardo, Kung kaya`t ito ay ipinost ni Shang sa social media para kahit papaano ay mapansin. Minsan pa nga ay nakita niya si Tatay na nagbabakasakali na makahingi ng relief goods. Ngunit sa dami ng tao at siksikan ay hindi siya nakakuha.

Sa pamamagitan ng post ni netizen agad bumuhos at nag paabot nagpaabot ng tulong kay Tatay Ricardo at sa kanyang pamilya. Sari-saring pangkain mga delata, isda, bigas at kape. Ikinatuwa pa ng mag-asawa ay ang mga bagong gamit sa bahay tulad ng mga gamit sa kusina an natangga nila mula sa mga netizens.

Ito ang patunay na kahit na sa panahon ng krisis o anumang problema nating mga Pilipino, ay nasa puso pa din ng marami ang pag-tulong sa kapwa.

Naging inspirasyon din ang mag-asawa na natulungan dahil ipinakita nito na kahit sa sobrang hirap ay kahit papaano naging kontento sila kung ano ang mayroon sila. Ngunit dahil sa tulong ng mga mabubuting loob napakalaking pagbabago nito para sa kanilang pamumuhay.