Magkasintahan na sana’y magpapa-schedule ng Kasal, biglang ikinasal ng Mayor sa araw na yun

Ang kasal ang isa sa pinaka-importanteng okasyon sa buhay ng tao lalo na sa dalawang taong nag-iibigan.

Ito ay isang sagradong okasyon kung saan ang dalawang tao ay manunumpa ng kanilang pag-iibigan sa altar sa harap ng Panginoon at magsasama habambuhay.

Samantala, isa sa mga kasabihan natin mga Pinoy “Kung puwede naman gawin ngayon, bakit ipagpapabukas pa”

Marahil nakakatawa man pakinggan subalit ito ay tama, Ganyan ang nangyari sa isang magkasintahan mula sa General Trias, Cavite.

Ang naturang magkasintahan ay nagtungo sa kanilang Munisipyo upang magpa-schedule ng kanila sanang Civil Wedding subalit laking gulat nila nang bigla silang sorpresahin ng kanilang Alkalde dahil sa mismong araw na yon ay ikinasal ang dalawa.

Sa inilabas na balita ng GMA News “24 Oras”, dahil daw sa C0V1D-19 pandémic ay naudlot ang plano ng magkasintahan na sina Erica Calandria at Ronnie Sagum na garden Wedding noong Abril 2020.

Kaya naman naisipan ng magkasintahan na Civil Wedding na muna at nagtungo nga sila sa Munisipyo upang magpa-schedule.

Subalit nagulat sila nang tanungin sila ni Mayor Ony Ferrer kung gusto nilang magpakasal sa mismong araw na iyon.

Kaya naman ang suot na face mask, mga simpleng kasuotan at improvised wedding ring na bigay ng mga kawani ni Ferrer ang dalawa ay na-i-kasal sa mismong araw na iyon.

Sa naturang kasal ay may pagkakataon pa raw na ang mismong Alkalde ang nagiging photographer.

Ayon naman sa bride na si Erika, hindi man daw siya nakapagsuot ng wedding dress sa kanyang kasal ang mahalaga daw ay makapagpalitan sila ng “I DO” ng lalaking nais niyang makasama panghabangbuhay.