Pinoy Olympian Boxer at Silver Medalist na si Carlo Paalam, nag-invest ng mga negosyo mula sa kanyang mga napanalunan

Marahil marami tayong nababalitaan at nababasa tungkol sa ilang mga dating sikat na artista o personalidad sa mundo ng entertainment o kaya naman ay sports na bigla nalang nauubos ang pera at naghihirap matapos ang kanilang kasikatan.

Dahil kadalasan ang nangyayari ay ang hindi tamang paghawak ng kanilang perang kinikita noong mga panahon na sila ay nasa tugatog pa ng tagumpay.

At kung minsan pa ay mayroong mga dating sikat na personalidad na ngayon ay nababaon na sa utang, nagkakasakit at walang pambayad sa 0spital at ang malala kung minsan ay mayroon pang pagala-gala na lamang sa kalye at walang sariling bahay.

Subalit iba ang ipinakita at ipinamalas na pagiging matalino sa paghawak ng pera ng Olympian na si Carlo Paalam, sinigurado niya na ang kanyang napanalunang pera ay mapupunta sa tama kung saan ito ay nag-invest ng mga negosyo na kanyang pagkakakitaan.

Ayon sa Silver medalist na si Carlo Paalam, imbis na ibili niya ng mga bagay tulad ng luxury stuff ay naging wais siya at inuna niya ang pagkakaroon ng negosyo kung saan nagtayo siya ng 2-storey commercial building na may paupahan at may mini grocery store sa kanyang hometown sa Cagayan De Oro.

Hindi lang yan balak din daw ni Carlo na pasukin ang pag-aalaga ng mga hayop katulad ng baboy, manok at kung ano-ano pa basta mapagkakakitaan.

Ang kanyang itinayong grocery store na kanyang pagmamay-ari ay pinangalanan niyang “PAALAM STORE”.

Dahil sa pagiging wais ni Carlo sa kanyang napanalunan ay maraming mga netizen ang humanga sa kanya maging sa social media ay ginagawa siyang inspirasyon ng marami pagdating sa paggastos ng pera.