Cherie Gil, agaw atensyon sa mga netizen ang bagong look at ikinuwento ang rason kung bakit niya ito ginawa

Kamakailan ay umagaw ng atensyon sa mga netizen ang new look ng batikang aktres na si Cherie Gil na ibinida nito sa isang Mega Magazine bilang isang “Cover Girl”.

Masasabi natin na isang successful career ang mayroon si Cherie Gil dahil sa industriya ng showbiz ay kilalang-kilala siya pagdating sa pag-arte bilang kontrabida. Natunghayan lahat ng kanyang mga tagahanga ang iba’t-ibang look ng haircut nito sa telebisyon halos lahat ay bagay sa aktres.

Subalit taliwas sa inaasahan ng karamihan, ipinakita ng aktres ang kanyang bagong look at kakaiba sa Mega Magazine na ikinagulat din ng kanyang mga tagahanga.

Marahil ang ibang babae ay sinasabing ang kanilang buhok ay “Crowning Glory”, subalit walang takot na tinapos ni Cherie Gil ang stereotype na ito at ibinida ang kanyang shave head na talagang gumulantang sa kanyang mga fans.

Hindi raw ito isang whim o biglaang desisyon para sa batikang aktres dahil ito ay may baon na isang touching story sa likod ng kanyang bagong look.

Tulad raw ng iba, minsan na rin nakaranas ng paghihirap si Cherie at sa kanyang journey ngayon tungo sa paghahanap ng kanyang sarili o kung tawagin ay “rebirth”, nagdesisyon siyang na magkaroon ng pisikal na simbolo at ito nga ay ang pag-shave ng kanyang buhok.

“I won’t deny that I have gone to therapy and counseling. Years and years of doing that, I learned that it just boils down to doing the hard work on and with yourself by whatever means. What’s hair diba? It’s grows back. It’s symbolic to my personal growth.” pahayag ng aktres.

Dahil sa bagong look na ito ni Cherie hindi maiiwasan ng ibang fans na makaramdam ng gulat, subalit buong-buo parin ang kanilang ibinibigay na suporta kay Cherie.

Narito ang ilang komento ng Netizens sa naturang magazine :

“It’s one of my favorite covers now!!! <3 <3 <3”

“She’s so gorgeous, hindi nagbabago”

“Bold Brave Beautiful Bravo <3”

“Cherie Gil is beautiful inside and out. Her talent is incomparable too. There’s no one like her. Thank you Mega Magazine for featuring her again. Love This!”