Jodi Sta. Maria, masayang nagbalik-tanaw sa kanyang talent fee na P1,500 noong siya ay nagsisimulang mag artista

Ang pag-aartista ay hindi birong trabaho, marahil malaki nga ang maaaring kitain subalit hindi ganon kadali ang makapasok sa mundo nito.

Maraming mga artista na ngayon ay matagumpay na, subalit bago sila mapunta sa tugatog ng tagumpay ay dumaan muna sila sa maraming pagsubok.

Katulad na lamang ng bida ng Kapamilya adaptation ng sikat na drama series na “The Broken Marriage Vow” walang iba kundi si Ms. Jodi Sta.Maria.

Kilala si Jodi Sta.Maria bilang isa sa pinakatanyag at batikang aktres sa kanyang henerasyon. Maraming manonood ang pinahanga ng aktres dahil sa kanyang taglay na husay pagdating sa pag-arte lalo na sa mga drama seryeng kanyang mga pinagbidahan.

Subalit tulad ng nararanasan ng marami, Bago naging isang matagumpay si Jodi ay marami siyang pinagdaanang pagsubok na tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon ng marami.

Sa isang interview kamakailan kay Jodi nang batikang mamamahayag, host at vlogger na si Karen Davila sa mismong youtube channel nito dito ay ibinahagi ni Jodi ang kanyang mga naging karanasan ng siya ay nagsisimula pa lamang sa pag-aartista.

Sa naturang vlog episode, ikinuwento ni Jodi sa mga netizen ang kanyang humble beginnings, ayon kay Jodi siya at ang kanyang nakatatandang kapatid ay pinalaking mag-isa ng kanilang Ina.

Bago raw siya maging isang artista ay nasubukan daw niyang magbenta ng tig-20 pesos na popcorn sa kanilang paaralan. Natigil daw ang kanilang maliit na negosyo noon dahil naging kakompetensya na sila ng canteen ng paaralan.

Pag-amin pa ni Jodi, noong siya raw ay estudyante ay likas na siyang mahiyain at simple lamang siya. Subalit gustong gusto daw niya ang nag pe-perform sa harap ng maraming tao.

“Ano lang ako.. typical school girl na mahiyain., Pero sobrang love ko ang pagpeperform” pahayag ni Jodi

Masasabing noon palang daw ay makikita na kay Jodi ang angking husay nito sa pag-arte. kaya naman isang talent scout ang nakapansin nito at humikayat kay Jodi na mag-audition.

Sa mga panahon raw na ito ay hindi kaagad sumabak sa pag-aartista si Jodi kundi sa iba’t-ibang commercial auditions.

Subalit sa kasamaang palad ay hindi sinwerte si Jodi sa mga commercials. Sa pangalawang beses tinawagan umano siya ng nasabing talent scout sa pagkakataong ito ay hinikayat umano siya na subukang mag-audition para sa Batch 7 artists ng Star Magic.

Pagku-kwento pa ng aktres, kahit daw hindi siya makuha noon ay masaya pa rin umano siya dahil ang gusto lamang niya ay makakita ng mga artista.

Aniya “And then tumawag na naman siya sabi niya na may pa-audition amg ABS-CBN looking for people to audition for the new batch of Star Circle 7. I’m like’ Sige try ko”.

“Pagdating doon, ‘Oh my gosh ito na ‘yung ABS-CBN’ Ito pala itsura niya. Pero noong time na ‘yun kung hindi man ako matanggap, okay lang. Ang gusto ko lang makakita man lang ako ng artista.”

Samantala, nang tanungin naman ang aktres kung magkano noon ang kanyang talent fee noong ito ay nagsisimula pa lamang sa pag-a-artista. Agad sinabi ni Jodi na ang kanyang pinakaunang talent fee ay P1,500.

Para sa kaalaman ng lahat, taong 1998 ng ipakilala si Jodi bilang isa sa mga bagong batch ng Star Magic Artists. Kasabay ni Jodi ang mga aktres na sina Desiree Del Valle at Alessandra De Rossi.