Artistahing Anak ni Ina Raymundo na si Jakob, napansin ng mga netizen dahil sa angking ka-gwapuhan

Usap-usapan kamakailan sa social media ang nag-iisang anak na lalaki o unico hijo ng sexy actress na si Ina Raymundo.

Para sa kaalaman ng lahat, Ang 90’s sexy actress-singer na si Ina Raymundo ay may limang anak sa kanyang Ukrainian-Canadian husband na si Brian Poturnak.

Apat sa mga anak nina Ina at Brian ay mga babae , Kaya naman only ‘SONshine’ nga kung tawagin ng mag-asawa ang napakagwapo nilang anak na lalaki na si Jakob.

Si Jakob ay mag be-birthday ngayon Abril 20 at siya ay tutuntong na sa 18 taon gulang, isa na ngayong college student si Jakob sa Amerika at bahagi ng baseball team ng Xavier University sa Cincinnati, Ohio.

 

Samantala, Pinag-usapan nga sa social media ang latest Instagram post ni Ina kung saan ibinahagi niya ang recent picture nilang mag-ina (Jakob).

Makikita sa larawan na mas matangkad na ngayon si Jakob kaysa kay Ina. Ayon pa sa aktres, mas nagmumukha umano niyang Kuya si Jakob dahil ngayon ay may tangkad na daw itong 6’1 ft.

“The upside to having a tall son, he looks like my ‘Kuya,” ani Ina.

Bukod sa recent picture nilang mag-ina, nagbahagi rin si Ina ng isa pang larawan ni Jakob kung saan ito ay baby palamang.

Ayon sa aktres , hindi niya napigilan na maging sentimental dahil ang dating napaka-cute niyang anak ay binatang-binata na ngayon at patuloy na binibihag ang puso ng maraming kababaihan.

“But on a serious note, where did my little munchkin go?” sabi ng aktres.

Agad naman nag-viral ang litrato ni Ina kasama ang anak na si Jakob. Maraming netizen ang hindi maiwasan humanga sa angking kagwapuhan ni Jakob na maaaring pumasa bilang isa raw Hollywood actor ayon sa isang netizen.

“Bakit po ang pogiii!!! pwedeng pwede maging leading man sa mga Nicholas Sparks Movies!!”

“So much gwapo naman talaga, ala brad pit ang dating WOW”

“Grabe, hindi nama nkagulat gulat dahil sobrang ganda ng nanay at gwapo ng tatay! Future Hollywood actor for sure”

Sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigit 200K likes at mahigit 3K comments ang naturang post ni Ina.