Vic Sotto, Ibinahagi ang dahilan kung bakit hindi pa nila mabigyan ni Pauleen Luna ng kapatid si Tali

Hindi magiging buo at masaya ang pamilya kung wala ang mga bata na kanilang mga supling, Ito marahil ang dahilan kung bakit may mga mag-asawa na nagdarasal na magkaroon ng mga anak.

Nagdadala kasi ang mga bata ng kasiyahan at maraming biyaya sa isang tahanan.

Samantala, katulad ng maraming mag-asawa na gustong magkaroon ng isa pang anak gusto din ng celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna ang isa pang supling.

Ang mag-asawang Vic at Pauleen ay may isang anak na babae na napaka cute at matalino na si Baby Tali.

Ayon sa pahayag ni Vic, inamin niya na gusto nilang bigyan ng Kapatid si Tali, baby sister man o baby brother.

Naikwento rin ng Eat Bulaga Host na parating ipinagdarasal ni Tali na siya ay magkaroon ng kapatid, Gayundin naman silang mag-asawa.

“The truth, tuwing nagdarasal sa gabi ‘yan, parating sabi kay Papa Jesus niya, ‘Thank you for my dad, thank you for my mom. Can you please give me a baby sister or a baby brother” kuwento ni Vic.

Samantala, pagbubunyag ni Vic ang dahilan at pumipigil sa kanila na magkaroon ng bagong baby. Ayon kay Vic imposibleng makagawa sila ng bagong baby ni Pauleen dahil hanggang ngayon ay katabi pa rin nilang natutulog si Tali sa kanilang kwarto.

“Ang problema kasi, parati namin siyang katabi matulog, e hindi pa sia natutulog mag-isa. Kailangan nasa gitna namin. Kailangan may nakayakap sa kanya, nakayakap sa mommy, kay Daddy niya. ‘Yun ang problema kaya hindi pa nagka-baby sister or baby brother si Tali”, pagbubunyag nito.

Dagdag pa nito, sinubukan naman daw nilang bigyan si Tali ng Kapatid, subalit sinabi naman ni Vic na hindi sila nagmamadali at naghihintay sila ng tamang panahon kung kailan ipagkakaloob ng Panginoon sa kanila ang isa pang anak, tulad umano ng paghihintay nila kay Tali noon.

“Hopefully soon, God-willing. sabi ko nga, masusundan si Tali kapag matuto na siyang matulog mag-isa. We’re trying, alam mo naman na in God’s time, alam mo naman si Tali nun, we just waited for God’s timing” pahayag nito.

“Nasa Panginoon. Sa Panginoon naman lahat iyan, e kung bigyan niya ng kasunod si Tali” dagdag nito.

Bago matapos ang interview kay Vic , sinabi rin nito na kung hindi raw naman sila muling binigyan pa ng isang anak ay ayos lang dahil marami naman daw pamangkin si Tali na mas bata sa kanya at makakalaro nito.