Beauty Gonzalez at asawang si Norman Crisologo, hindi naging hadlang ang 25-years age gap sa kanilang pagsasama

Ayon nga sa mga kasabihan ‘Age doesn’t matter’ o kaya naman ay ‘Age is just a Number’ yan ang kadalasanan natin naririnig pagdating sa pag-ibig.

Totoo naman dahil kung mahal mo ang isang tao ipaglaban mo dahil hindi ka magbabase sa estado nito mapa bata man o matanda basta tunay ang pagmamahal at wala kang tinatapakan na tao.

Katulad na lamang ng aktres na si Christine Marie Beauty Luche Gonzalez o mas kilala natin bilang si Beauty Gonzalez.

Si Beauty ay unang lumabas sa telebisyon ng ito ay maging isa sa mga housemate’s ng Pinoy Big Brother Teen Edition na isang programa ng ABS-CBN kung saan ito ay nakasama sa apat na Finalist.

Si Beauty ay tubong Cebu, bago siya sumabak sa pag-aartista ay napabilang muna siya sa Cebu’s 12 Prettiest Teens at kinoronahan bilang Miss Teen Philippines – Central Visayas taong 2006.

Samantala, pagdating naman sa pag-ibig ay masaya at tahimik na si Beauty kung matatandaan taong 2017 ay ikinasal si Beauty Gonzalez sa isang businessman at art curator na si Norman Crisologo.

Ang pagpapakasal ng aktres kay Norman ay naging usap-usapan ito ay dahil si Norman ay kasal na sa dating aktres na si Max Eigenman at mayroon na itong dalawang anak bukod dito malaki rin ang agwat na edad nila sa isa’t-isa.

Noong ikasal si Beauty at Norman ay 29 taong gulang lamang ang aktres at si Norman anman ay 55 taong gulang kaya naman nasa 25 years ang kanilang agwat sa edad.

Ang iba nga ay sinasabing pera lamang ang habol ni Beauty kay Norman kaya ito nagpakasal. Subalit pinatunayan ni Beauty sa lahat na tunay at totoo ang kanyang pagmamahal sa asawa at sa kabila nga ng malaking agwat sa edad nila kailanman ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan.

Sa isang interview sa mag-asawa dito nila sinabi na isa sa nagpatibay sa kanilang relasyon ay ang kanilang malaking age gap.

Samantala, para naman sa aktres na si Beauty malaki ang nabago sa kanyang buhay ng makilala niya si Norman, lalo na’t ito ang kanyang naging katuwang at mentor sa lahat ng bagay.

“My whole life changed when I met Norman. Maraming nangyari sa career ko. He’s my mentor. He’;s my everything. That was one of the biggest changes, na-uplift yung career ko when I met him. I’m happy he came at the time, he guides me very well kasi we really help each other”, -pahayag ni Beauty Gonzalez sa isang interview.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasama ang dalawa na masaya at tahimik, ito ang nagpapatunay na kailan man ay hindi naging basehan at hadlang ang edad pagdating sa pag-ibig.