Babaeng OFW, nagpanggap bilang delivery rider para sorpresahin ang kanyang magulang na ilang taon niyang hindi nakita at nakasama

Karamihan sa atin ay pumupunta sa ibang bansa upang doon magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya kahit na magtiis sila at mangulila ay kinakaya nila para sa kanilang mahal sa buhay.

Isa sa mga malaking hamon na kailangan tiisin at harapin ng mga Overseas Filipino Workers(OFW) habang sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa ay ang labis na pangungulila sa kanilang mahal sa buhay at malampasan ang pagkakaroon ng h0mes!ckness.

Kaya para sa mga OFW ang makauwi at makitang muli ang kanilang pamilya makalipas ang ilang taon ay isa sa mga pinakamasayang sandali para sa kanila.

Samantala, marami tayong napapanood sa social media na mga ginagawang paandar ng ilang OFW kapag sila ay nagbabalik sa bansa upang sorpresahin at gawing espesyal ang muli nilang pagkikita ng kanilang pamilya.

Katulad na lang ng isang video na ito na nagpaluha sa maraming netizen, ibinahagi ang video ng OFW na si Sharmaine Santos kung saan mapapanood ang pag sorpresa niya sa kanyang mga magulang.

Kamakailan ay umuwi sa Pilipinas si Sharmaine na isang OFW sa Singapore. Para sorpresahin ang kanyang mga magulang ay nagpanggap siya bilang isang delivery rider ng kilalang online shopping mall sa bansa.

Mapapanood sa video mula sa hotel na kanyang tinutuluyan ay dumiretso agad si Sharmaine sa bahay ng kanyang mga magulang.

At para maging matagumpay at maisagawa ang kanyang delivery prank ay nagbihis pa siya ng uniform ng nasabing online shopping mall. May dala rin siyang isang pekeng parcel na kanyang gagamitin para i-prank ang kanyang mga magulang.

Nang makarating sa kanilang bahay si Sharmaine, kaagad na isinagawa ni Sharmaine ang kanyang plano kasabwat ang kanyang mga kapatid. Tinawag nilang lahat ang kanilang ina na si Nanay Aida Santos at sinabi ritong may dumating na parcel na nakapangalan sa kanya.

Laman ng parcel ay isang box ng cellphone na ayon sa “rider” ay nagkakahalaga ng halos P5,000.

Makikita sa video na tila nagulat ang kanilang ina at iginiit na wala siyang order na bagay na ganoon kalaki ang halaga.

Dahil ayaw mag bayad ni Nanay Aida ay hiniling ng “rider” na magpa-picture sila bilang patunay na dineliver niya ang item pero tumanggi itong magbayad.

At sa sandaling kinukuhanan ng litrato ay tinanggal ng “rider” ang suot nitong helmet at m@sk at sabay lumapit kay Nanay Aida para magpa-picture.

Hindi naman kaagad napansin ni Nanay Aida na ang rider na katabi niya ay kanyang anak pala. Gayunpaman hindi rin nagtagal at napansin niyang si Sharmaine ang “rider” na yumakap sa kanya.

Nang mapansin ni Nanay at makita niya na ito pala ay ang kanyang anak na si Sharmaine, Napasigaw at napaiyak na itosa labis na kaligayahan.

Tuwang-tuwa rin ang ama ni Sharmaine na makitang muli ang kanyang anak pagkatapos ng maraming taon na nasa ibang bansa ito at nagtatrabaho.

Ang video na ito ni Sharmaine ay nag viral sa social media marami rin ang netizen na napaluha dahil dito at marami rin OFW ang nami-miss rin ang kanilang pamilya na nasa bansa.