Ina na 74-yo, patuloy pa rin sa pagtatrabaho para makabili ng diaper at gam0t ng kanyang anak na na-str0ke

Tunay na hindi matatawaran ang pagmamahal na ibinibigay ng isang ina para sa kanilang anak. Lahat ay gagawin ng isang ina sa abot ng kanyang makakaya para lamang maibigay at maiparamdam ang walang katumbas na pagmamahal at pag-aaruga sa kanilang anak.

Katulad nalang ng isang kwento na ibinahagi ni Chee Presbitero sa kaniyang Facebook account.

Ito ay ang kwento ni Nanay Erlie, siya ay isang 74 taong gulang na at isang Ina. Mag-isa siyang nagsusumikap upang may pang bili ng pagkain sa araw-araw. Kasama niya ang kanyang anak na na-str0ke dahil sa karamdaman ay hindi na magawang makatulong upang matustusan ang kanilang pang araw-araw.

Ayon kay Nanay Erlie, kapos at hindi sapat ang kanyang kinikita tanging pangangalakal lamang ng basura ang pinagkakakitaan niya. Dahil na rin sa katandaan ay hindi na nito nagagawa pang lumayo at umaasa na lang sa mga kalakal na ibinibigay ng kanilang kapitbahay at kaunting barya mula sa ibang tao.

Sa maliit na kita ni Nanay Erlie, pilit niya itong pinagkakasya upang siya ay makabili ng mga gamot at diaper ng kanyang anak.

Kung minsan dahil sa sobrang pagod at hirap naisipan raw ni Nanay Erliena na pakiusap si Chee na gumawa ng paraan ng sa gayon ay may tumulong sa kanilang mag-ina. Nabanggit din ni Nanay Erlie na silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay.

Kaya naman ang hiling na ito ni Nanay Erlie ay tinupad ni Chee at ibinahagi niya ito sa social media sa kanyang Facebook account ang kalagayan ni Nanay Erlie at ng kanyang anak.

Ang kwento na ito ni Nanay Erlie ay umantig sa damdamin ng mga Netizen at agad silang nabigyan ng tulong.

Labis naman ang paghanga ni Chee kay Nanay Erlie dahil sa kadakilaan nito na kahit sa ganoong edad ay patuloy na naghahanap buhay para sa kanyang anak.

PAHAYAG NI CHEE”

“Hanggang kailan ba matatapos ang responsibilidad ng isang ina?”

“kapag malaki na ang anak nila?”

“kapag napag tapos na ng pag aaral?”

“kapag may trabaho na ang anak?”

“o kapag my sarili na itong pamilya?”

“hindi ang responsibilidad ng isang ina ang natatapos lang sa kanyang kam@tayan. SALUDO ako sa mga ina katulad ni Nanay erlie sa idad nyang 74y.o ay nangangalakal parin sya ng basura para may pang tustos sa kaniyang anak.. ”

“Mabuhay po kayo!”

Kahanga-hanga talaga si Nanay Erlie dahil kahit sa kanyang edad ay handa siyang maghirap at magsakripisyo para lamang sa anak. Tunay na walang makakapantay sa pagmamahal ng isang Ina sa kanyang anak.

Samantala, Labis ang pasasalamat ni Nanay Erlie sa mga tumulong at sa mga patuloy na nagnanais na sila ay mabigyan ng tulong.