Matandang Lalaki, 30 yrs nang naninirahan mag- isa sa isang Isla at nagdesisyong doon na mamalagi hanggang siya ay pum@naw

Kaya mo bang mabuhay mag-isa? Walang kausap at kasama? Paano na lamang kung isang aksidenteng hindi mo inaasahan ang siyang maging dahilan ng iyong paglisan sa nakasanayang lugar at mapadpad sa isang isla na wala namang katao- tao?

Sabi ng iba, “No man is an island” ngunit pinatunayan ng 78 years old na si Mauro Mandi, isang matandang lalaki na 30 taon nang namumuhay mag- isa sa isang napakalaking Italian island na Budelli.

Ayon sa kaniya, pumalaot daw siya noon sakay ng kaniyang Bangka ngunit napansin niyang paunti- unti na itong nababaklas at nasisira. Ang tubig dagat ang siyang nagdala sa kaniya sa Isla. Nang mapansin niyang sya lamang ang tanging taong nakatira doon, nagdesisyon siyang manatili dito pang habang buhay.

Hindi niya nakita ang kaniyang sarili na ang pamumuhay nang mag- isa ang kaniyang kahahantungan. Ngunit nang mapadpad sa Budelli noong 1998, napag- alaman niyang ang care taker ng isla ay magreretire na. Hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang oportunidad na ito.

Taon- taon, sinasalubong niya ang mga turista na dadaan sa kaniyang bahay sa pamamagitan ng pag kaway. Dahil na nga si Mauro lamang ang nakatira sa Isla, sinabi niya sa Geographic na “I’m really amazed by silence of the surrounding, a peaceful winter, being alone in a hard storm, in a beautiful sunset of the summer that passes through my skin”

Samantala, taong 2016 nang sinubok siya ng Italian Government na paalisin sa isla at kunin ito sa kaniya. Mabuti na lamang at umabot sa 18,000 signatures ang nakuha na nagsasabing ihinto ang pagpapatalsik kay Mauro.

“I will not leave. I wish to die here, my body to be cremated, and my ashes to be spread into the air.”

Kahit pa walang kasama si Mauro sa isla, maging ang mga hayop doon ay tanggap siya. Ginugugol niya ang kaniyang oras sa pagkokolekta ng mga sanga ng Juniper Tree upang gumawa ng Artwork na kaniyang ibebenta sa mgz turista at idodonate ang kaniyang kita sa isang charity organization sa Africa at Tibet.

Sa kaniyang araw-araw na gawain, siya ay nagmumuni- muni, nagbabasa at nagpapractice ng kaniyang photography skills. Nag- aani din siya ng mga herbs at halaman sa likod ng kaniyang bahay at nag papractice din ng Tai-chi sa beach.

Masayang namumuhay si Mauro kahit na siya ay mag- isa lamang. Nagagawa niya ang kaniyang mga kagustuhan at namumuhay siya ng Malaya.