Online Seller, emosyonal matapos batiin sa live ng kanyang mga buyer na pumasa siya sa Licensure Examination

Isa sa pangarap natin lahat ay makapagtapos ng pag-aaral. Marami man ang hindi makamit ito dahil din sa kakulangan ng financial at kapos sa buhay.

Marami naman din na kahit kapos sa buhay ay patuloy pa din ang pagsisikap upang makapagtapos sa pag-aaral at makakuha ng mahanap ng magandang trabaho upang masuportahan din ang ating pangangailangan sa araw-araw.

Ngunit ating tunghayan ang isang magandang kwento kung saan nakapasa sa isang Licensure Exam. Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang isang Ina na si Jerlyn Esteves na siya ay nakapasa sa Licensure Examination for Teachers, Gulat na gulat si Jerlyn ng batiin siya mismo ng kanyang mga buyers sa kanyang live selling.

Dahil sa sobrang kasiyahan ay naiyak si Jerlyn Esteves sa kanyang live selling, Si Jerlyn ay tubong Masbate City nakapasa siya sa board exam bilang Guro. Ayon kay Jerlyn hindi raw siya nakapag-review ng maayos sa sobrang pagka-abala sa kanyang pagtitinda.

Samantala, hindi raw ito ang unang beses niyang pagkuha ng LET. Noong 2019 kung kailan kumpleto at husto ang kanyang pagre-review ay hindi siya pinalad na makapasa.

Ayon kay Jerlyn, baka raw marami pa siyang kailangan pagdaanan bago makamit ang pagiging guro.

Noong, 2020 nang magkasakit ang kaniyang asawa at halos walang matira ni piso sa kanila. Natigil rin ang kanilang negosyo nang halos 11 buwan.

“Walang review-review dahil super busy sa small business, pinaubaya ko kay God ang pag-exam ko, before pa nga makapag-exam grabe ang pinagdaanan ko. Totoo talaga ang God’s will kahit sobrang preparado ka sa exam kung hindi pa para sa’yo dipa ibibigay. Pero kung time mo na talaga, kahit ‘di mo alam ang sinagot mo doon, pagdating kay Lord pasado ka”.