13-anyos na babae, napilitan ikasal sa 48 taong gulang dahil sa batas at paniniwala sa kanilang lugar

May probinsya sa ating bansa na may batas na maaring ikasal ang bata sa matatanda at ito ay sa Mamasapano Maguindanao.

Ito ay kanila ng kinalikahan na normal lang ang ikasal ang mga menor de edad sa mga mas may edad sa kanila kaya naman walang magagawa ang mga batang ito.

Tulad nalang ng isang 13 taong gulang na si Asnaira siya ay napilitang ikasal sa 48 years old na si Abdulrzak`s. Kung titignan niyo ay parang mag-ama lamang o kaya naman ay mag-lolo.

Ayon sa balita ng Pew Research Center, Ang ganitong pangyayari o ginagawa ay isang batas daw ito at normal lang daw ito kahit pa daw sa ibang parte ng mundo ay may gumagawa na nito halos 117 mahigit na bansa na daw ang may batas na ganito.

 

Kaya naman talagang ito ay naging usap-usapan sa social media. Dahil na rin makikita na si Asnaira ay parang ka edad lang ng mga anak ng kanyang mapapangasawa sa dati rin nitong naging asawa.

Sa mga kapatid naman nating Muslim ay ayos lang na magkaroon ng isa o higit pa na asawa pero dapat ay kanila itong masusuportahan.

Si Abdulrzak naman ay nagpatayo ng maliit na bahay para sa kanyang mapapangasawa habang nag-aasikaso siya ng kanyang mga taniman.

At dagdag pa ni Abdulrzak ay kanya munang papa-aralin si Asnaira sa eskwelahan dahil ito naman ay hindi magkakaroon ng anak dahil na rin sa murang edad nito.

Talaga naman nakakagulat ang mga ganitong pangyayari ngunit kung tutuusin nga ay normal na ito, mayroon talagang mga tribo o lugar sa mga probinsya na may mga paniniwala at batas na ganito.