Isang pamilya na nakikinood ng TV sa kapitbahay, pinagsarahan ng bintana at pintuan

Dala ng kahirapan mayroon mga pamilya na walang kakayahang makabili ng mga gamit sa bahay tulad ng Refrigerator, Radio o kaya naman ay TV.

Dati pa ay naranasan na ng marami ang makinood ng TV sa kanilang kapitbahay kaya naman marami ang mga nakaranas na nito noon ang makinood sa bintana ng kapitbahay.

Kaya ang iba ay pumupunta sa kanilang kamag-anak o kapitbahay na mayroong TV upang makapanood ng balita o palabas, Tulad ng mag-anak na ito na matiyaga na lamang nakikinood sa kanilang kapitbahay upang masundan ang kanilang paboritong palabas sa telebisyon.

Subalit isang araw ay napansin ng kanilang kapitbahay na sila’y ay nakikinood ng TV kaya naman sumilip ang isa sa mga tao sa loob ng bahay at agad ibinaba ang kurtina ng bintana at isinara ang pinto.

Sa ginawa ng kapitbahay ay walang nagawa ang naturang pamilya dahil anya nakikinood lamang sila.

Walang nagawa kundi umalis nalamang ang pamilya, Dahil sa pangyayaring ito maraming netizen ang nakaramdam ng pagkaawa sa pamilya at ang iba ay tila naalala ang kanilang karanasan.

Narito ang ilang komento ng mga NETIZEN:

“Maraming ganyan na kapitbahay sasarahan ka kahit maipit pa kamay mo pag sara nila ng pintuan.”

“Naranasan ko to hindi masabi ng tuluyan kung ayaw magpanood sasaraduhan pa agad nakakabastos lalo na may nanonood na matanda.”

“Hays mga tao talaga, pero kami noon may TV para tulong na rin sa mga kapitbahay pinapapasok pa ng mama at papa ko ang mga nanunuod sa labas black and white pa TV namin noon.”