Pulis, tinupad ang hiling ng isang bata na mayakap ang kanyang ama na nasa loob ng kulungan

Naantig ang pusong mga netizen sa isang post sa social media, ito ay ang tungkol sa batang gustong mayakap ang kanyang ama na nasa loob ng kulungan.

Ayon sa naturang post, humihingi raw ng pabor ang bata sa isang pulis na kung pwede raw ay mayakap niya ang kanyang ama dahil miss na miss na niya ito.

“Sir mamang Pulis, Pwede ko po bang mayakap ang aking papa? Miss na miss ko na po kasi siya pwede niyo ba siyang palayain na? -Bata

Dagdag pa raw ng bata, Kung pwede daw ay payagan niyang makalaya ang kanyang ama pero ito ang naging tugon ng pulis.

“Naku ading hindi kasi pwede eh, husgado kasi ang magpapasya pero sige halika para hindi namamagitan ang rehas sa pagyakap sa iyong papa buksan ko nalang saglit at yakapin mo siya para tugon sa iyong mumunting hiling” – Pulis.

NARITO SA BABA ANG KABUANG POST :

Batang Chikiting: Sir mamang Pulis. Pwede ko po bang mayakap ang aking papa??? Miss na miss ko na po kasi siya pwede niyo ba siyang palayain na?

Me: naku ading hindi kasi pwede eh, husgado kasi ang magpapasya pero sige halika para hindi namamagitan ang rehas sa pag yakap sa iyong papa buksan ko nalang saglit at yakapin mo siya para tugon sa iyong mumunting hiling…

Ama ng bata:. Salamat po sir, kahit paano naibsan ang aking lungkot.

Batang Chikiting: Salamat sir mamang Police….

Me: walang anuman. Hayaan mo malapit na uwe papa mo basta magpakabait ka palagi ok.

Batang Chikiting: babye po mamang Police.

(Umuweng masaya ang Mag- ina)

“Matapang naman talaga ang tagapag patupad ng batas ngunit may puso rin at May pakiramdam kami… Kahit anu pa ang nagawa ng taong lumabag sa batas sadya talagang may puso kami at sila na bilanggo ay may karapatan parin kahit bilango at tanging panginoon lang ang magpapasya balang araw pag dumating na ang takdang araw.

“PNP HUMAN RIGHTS is still a WAY OF LIFE”

Dahil sa post na ito maraming netizen ang humanga sa ginawa ng pulis dahil sa ginawa nito napasaya nito ang isang bata na nangungulila sa kanyang Ama.