Isang liham ng anak para sa kanyang Ama na may bago ng pamilya, ikinalungkot at ikinaantig ng madla

Kamakailan ay nakuha ang atensyon at simpatya ng mga netizen ng isang liham na mula sa isang bata para sa kanyang ama na mayroon ng bagong pamilya.

Ayon sa sulat ng bata para sa kanyang ama:

“Dear Papa, Pa alam ko po na may bago ka nang love, pero po pa love pa rin kita last na po itong love letter na ito pa promise”

“Hindi na ko manggugulo sa happy family nyo kasi baka maging sad family pa kayo pero love pa rin po kita”

Dahil sa liham na ito ng bata maraming netizen ang nalungkot at hindi napigilan maiyak at magbigay ng komento tungkol sa post na ito .

Narito ang ilang mga netizen naka relate sa sitwasyon ng bata at nagbigay ng komento.

“I don’t know how to say this. Pero i know ramdam to nang mga anak ko. and i’m sorry for that kung naging broken family tayo.

It’s been 10 years but still i can’t find the answers to those questions. BAKIT NIYA TAYO INIWAN MHIE. i hope someday mapatawad nila yung ama nila but i know yung pangungulila ng mga anak ko for having a father is hindi matutumbasan ng salitang sorry”.

“So painful reading this kind of letter. I hope the father realizes how heartbreaking its is for a child”.

“Sa lahat ng mag-asawang naghihiwalay talagang ang mga anak ang sobrang naapektuhan, kaya para sa lahat sana kung kaya pang pag-usapan at maayos ay talagang dapat ayusin hindi lamang para sainyong mag-asawa bagkus lalong lalo na para sa inyong mga anak”.