Isang Seller, naglabas ng saloobin sa mga nambabarat ng ‘free delivery fee’ matapos mahul0g sa putikan habang nagde-deliver

Maraming online sellers ang naki simpatya at tila nakakarelate sa naging karanasan ng katulad nilang kumakayod at kumikita sa pamamagitan ng pagtitinda ng iba’t-iba na pwedeng pagkakitaan online.

Ito ay matapos maglabas ng saloobin ang isang delivery rider sa mga customers na mahilig na mambarat ng mga delivery fee.

Alam naman natin na sa panahon ngayon ay patok na patok ang ganitong klaseng negosyo ang online selling, minamaliit man ng iba ang ganitong kabuhayan subalit dito kumikita ang karamihan ngayon.

Samantala, ibinahagi ng netizen na si Jobelle Laurel ang totoong nangyayari sa pang araw-araw nilang paghahanapbuhay bilang mga nagtitinda ng mga produkto at ng kanilang serbisyo online.

Isa na dito ay ang usapin tungkol sa suportang ibinibigay ng iba sa kanilang maliliit na sellers kumpara sa mga malalaki at kilalang mga negosyo.

“DELIVERY FEE IS NORMAL MY FRIEND. LALO NA KUNG MALAYO, HINDI YAN DAGDAG SA TUBO NAMIN KUNDI AY PARA LANG HINDI MABAWASAN ANG KONTING TUBO.”

Ganyan ang naging pahayag ni Jobelle ng bigyan niyang diin ang mga customers na ang akala ng iba sa tuwing sila ay humihingi at naniningil ng konting delivery fee ay nagdaragdag ito sa tubo ng sellers.

Narito pa ang ilang bahagi ng kanyang naging pahayag sa social media :

“ISIPIN NYO NA MAMASAHE KAYO NG 100 O NAGGAGAS KAYO NG 200 PARA PUMUNTA SA MALL AT KUMAIN SA PWESTO NG MAYAYAMANG NEGOSYANTE,”

“KAPAG SI MCDO, KFC, SHOPEE AT LAZADA MAY DELIVERY FEE OK LANG PERO KAPAG MALILIIT NA NEGOSYANTE MAHAL NA AGAD ISIPIN NIYO RIN KUNG KAYO ANG PIPICK-UP HINDI BA’T GAGASTOS DIN KAYO DI BA?”

Ayon pa kay Jobelle , minsan ay nagdedeliver sila na malakas ang ulan, may bagyo o kaya naman ay katirikan ng araw, pagod at pawis kapalit ng kaunting kita para sa pamilya.

Katulad na lang ng isa niyang ibinahaging larawan kung saan ay punong puno siya ng putik at basang-basa dahil sa pagkalaglag niya sa isang putikan habang siya ay nagde-deliver ng order sa isa niyang customer.