Lalaki na bumili ng salamin sa online, viral matapos magbigay katatawanan sa madla dahil “may kasama filter na daw ito”

Sa panahon ngayon ay nauso na ang mga online shop at online delivery. Marami rin ngayon ang mas tinatangkilik ang pagbili sa online kaysa sa mga tiangge na tinatawag.

Dahil din sa mabilis ang pagbili sa online ay hindi mo na kailangan maglakad o mag-ikot ikot para mahanap ang iyong gustong bilihin dahil sa online ay click mo lang search at ita-type ang iyong hahanapin at lalabas na lahat doon kung saan pipili ka pa ng maliit ang presyo.

Marami rin ang nadidismaya sa kanilang nabibili sa online dahil minsan ay hindi kasya at madalas naman ay may tinatawag na ‘expectation versus reality’ dahil hindi akma ang kanilang inorder sa darating sa kanila.

Gaya na lamang ng kwento na ito kung saan tuwang tuwa ang mga netizen sa social media sa nabiling gamit ng isang lalaki mula sa Shopee. Ayon kasi sa naturang lalaki hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging hitsura sa personal na kanyang inorder online.

Pagbabahagi ni Nick Craig Mendoza sa kanyang Facebook post, napaka ‘aesthetic’ daw ng bagong bili niyang wall mirror.

Bumungad kasi ang tila filtered na imahe ni Nick nang manalamin ito sa kanyang bagong bili na gamit, Dagdag pa nito na hindi raw siya aware na may filter pala ito.

Ayon sa post ni Nick :
“BUMILI AKO NG MIRROR SA SHOPEE ANG GANDA DIBA NAPAKA AESTHETIC TIGNAN DUMATING TAS DI AKO AWARE MAY KASAMANG FILTER YUNG SALAMIN HAHAHA SALAMAT SHOPEE”

Pabiro pa ng lalaki, wala raw sinabi sa Shopee ang Instagram at Snapchat dahil sa mala-filter effect nito.

Ang nakakatuwang post naman na ito ni Nick ay mabilis na kumalat sa social media, kung saan makikita ang ilan niyang larawan sa harap ng salamin.

Sa ngayon ang naturang post ay nag-viral dahil sa nagbigay aliw ito sa madla.

“BUMILI AKO NG MIRROR SA SHOPEE ANG GANDA DIBA NAPAKA AESTHETIC TIGNAN DUMATING TAS DI AKO AWARE MAY KASAMANG FILTER YUNG SALAMIN HAHAHA SALAMAT SHOPEE”

“UPDATE: ANG DAMI NIYANG FILTER TA3NA HAHAHAHA BYE IG AND SNAPCHAT! TINALO NA KAYO NG SHOPEE”

“DISCLAIMER PANG KATUWAAN LANG PO HAHAHA WAG NIYO KO IBAN SHOPEE MADAMI PA KONG BIBILHIN SA INYO HAHAHA”