Kilala at Tanyag na Football Manager/Coach, binigyan katuparan ang pangarap na bahay ng Pinay na kasambahay

Ano nga kaya ang mararamdaman mo kapag ikaw ay nabigyan o nakatanggap ng “Villa” o isang “Dream house” mula sa iyong boss na isang galente, Siguro ay daig pa ang nanalo sa lotto o kaya naman ay nakapulot ng maraming pera.

Samantala, Noong nakaraang taon lamang ay napabalita ang tungkol sa German Football manager na si Thomas Tuchel na nag bigay daw ng bonggang regalo sa isang Pinay na kanyang kasambahay.

Para sa kaalaman ng iba, si Tuchel ay isang tanyag at kilalang head coach ng Chelsea, ang Premier League Football club ng England.

Ngayon naman ay muling usap-usapan sa social media ang malaking tulong ni Tuchel sa kanyang Pinay na Housekeeper.

Ayon sa ulat ng PEP ph, hindi lang daw isang bonggang villa ang ibinigay ng galante at sikat na Football manager kundi pati ang pambayad sa heart operation ng anak nito.

Si Tuchel ay nanirahan ng dalawang taon sa Hauts-de-Seine district ng France para sa Ligue 1 club—ang French professional league for men’s football.

Kaya naman kinailangan ni Tuchel na kumuha ng kasambahay para naman sa kanyang tirahan habang siya ay nasa France.

Ang naturang Pinay na kasambahay ay naglingkod kay Tuchel ng dalawang taon at talagang na-impress at natuwa agad ang Football manager kung paano mag trabaho ang kanyang housekeeper.

Kalaunan ay nalaman ni Tuchel na kailangan ng malaking pera ng Pinay para sa 0perasyon sa pus0 ng kanyang anak na nasa Pilipinas.

Hindi naman nag dalawang isip si Tuchel na magbigay ng tulong pinansyal para sa anak ng kanyang masipag na kasambahay.

At nang magkausap ang Pinay na kasambahay at si Coach Tuchel tinanong niya kung ano ang pangarap ng kanyang tauhan, sumagot naman ang Pinay na nais niyang magkaroon ng sariling bahay at doon siya titira kasama ang pamilya sa kanyang pagreretiro.

Ang pangarap na ito ng Pinay na kasambahay ay tinupad ni Coach Tuchel at binili niya ito ng sariling Villa.

Si Coach Tuchel ay isa sa pinaka-kilalang manager sa buong mundo sa larangan ng men’s football. Sa kasalukuyan ay may net worth siya na $20 million at ito ay record noong August 2021.

Source: PEP